Watch their real-life stories of hope and compassion in Juday’s “Paano Kita Mapasasalamatan” every Saturday at 7 PM
Magbibigay-inspirasyon si Judy Ann Santos-Agoncillo ngayong Sabado (Enero 30) sa pagbabahagi niya ng kwento ng apat na artists na nabago ang kapalaran dahil sa isang sikat na Pinoy Facebook page sa ABS-CBN show na “Paano Kita Mapasasalamatan.”
Ang Definitely Filipino, isang Facebook page na may 4.6 milyong followers, ang dahilan kung bakit natupad ang mga pangarap at nabigyan ng tulong ang mga pamilya nina Ben Totanes, Joyce Pief, Charina Echaluce, at Gini Aala.
Itatampok sa episode si Ben, ang founder ng Definitely Filipino, na nilikha ang naturang online page matapos maging homesick sa ibang bansa at sa kagustuhang magbahagi ng iba’t ibang kwentong Pinoy.
Mapapanood din sa show ang kwento ng pintor na si Gini, na naipagamot ang nanay niya dahil sa isang viral na Definitely Filipino article.
Nabigyan naman ni Ben ng hanapbuhay si Joyce, na noon ay nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pagsasara ng dati niyang negosyo. Dahil naman kay Joyce, nakamit ni Charina ang kanyang pangarap na maging writer at nakapag-release na ng best-selling novel na “Minsan Okay Lang Ma-traffic.”
Subaybayan ang mga totoong istorya na puno ng pag-asa at inspirasyon mula kay Juday sa “Paano Kita Mapasasalamatan” tuwing Sabado ng 7 PM sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.