News Releases

English | Tagalog

KVN, naghihintay na masagot ang tanong na "Pwede Na Ba" sa bagong kanta

January 29, 2021 AT 10 : 45 AM

KVN’s “Pwede Na Ba” is the maiden offering of the newly-launched Old School Records, which aims to produce nostalgic music of the ‘70s, ‘80s, and ‘90s era with a modern twist.

Unang handog ng bagong ABS-CBN Music label na Old School Records

Mula sa viral hit na “Magandang Dilag,” handog ng emerging solo artist na si KVN ang bago niyang kanta na “Pwede Na Ba,” na ipinrodyus ng pinakabagong label ng ABS-CBN Music na Old School Records (O.S. Records).

Tender ballad na may pagka-pop vintage ang debut solo single ni KVN na ipinaparating ang damdamin ng isang tao na gustong-gusto nang ipaalam sa mundo kung gaano ka-importante ang isang tao sa kanya.

Sinundan ng “Pwede Na Ba” ang nauna nang kolaborasyon ni KVN sa songwriter-producer na si KIKX na “Kung Iniwan Mo Na,” at magiging parte rin ng EP niya mula sa Old School Records.

“We wrote a lot of songs na actually mare-release in the future. Excited na akong marinig ninyo ang mga isinulat ko,” ani KVN.

Nag-umpisa ang singing career ng baguhang artist nang makilala niya si KIKX matapos mawalan ng trabaho bilang cruise ship singer dahil sa pandemya. Bukod sa pagiging featured sa “Magandang Dilag” at solo music releases niya, siya rin ang kumanta ng “Kalawakan” na una ring narinig sa 2020 Miss Universe Philippines pageant.

Ang awitin niyang “Pwede Na Ba” ang kauna-unahang handog ng kakalunsad lamang na Old School Records, na naglalayong mag-prodyus ng mga kantang may tunog ‘70s, ‘80s, at ‘90s pero may makabagong atake, sa tulong ng hit producers at papausbong na artists.

“Ito po may bagong venture ako with ABS-CBN Music,” nauna nang inilahad ni KIKX. “It’s scary pero that’s how we grow so I’ll try na mapalawak ‘yung business ko as a musician.”

‘Wag matakot magtanong para sa pag-ibig at pakinggan ang “Pwede Na Ba” ni KVN na mapapakinggan na sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa FacebookTwitter, at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE