News Releases

English | Tagalog

Kim, nagpasiklab sa unang taon sa "It's Showtime"

October 26, 2021 AT 05 : 37 PM

Isang trending at pasabog na performance ang ipinamalas ni Kim Chiu sa kanyang unang taon bilang host sa programa sa pagsayaw niya ng Chinese instrumental song hanggang sa pagsayaw ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus habang may pa rain shower effect noong Sabado (Okt. 23) sa "It's Showtime."



Inamin ni Kim sa kanyang unang anibersaryo sa "It's Showtime" na hindi niya inakalang tatagal siya ng isang taon sa noontime show ngunit nalagpasan niya ito at masaya siya na ngayon na nakakapagbigay inspirasyon at saya siya sa madlang pipol.

"It's a roller coaster ride of emotions pero mahilig ako sa extreme rides. I'm here for the ride sa harap pa ako nakaupo. Ang daming nangyari. Hindi ko alam na aabot ako dito ng isang taon sa 'It's Showtime.' Ang daming balakid pero ito tayo nakangiti. Ganoon talaga kapag may pinagdadaanan, dadaanan lang. Kaya tuloy ang buhay, tuloy ang pagbibigay saya,"saad niya.

Sinabi rin niya na marami siyang natutunan sa show at nagpapasalamat siya sa tsansang ibinigay ng bosses at hosts ng "It's Showtime" sa kanya.
 
"Salamat, 'It's Showtime.' I've learned a lot. Every day is a learning experience. Every day may binibigay kayong chance sa akin dito sa 'It's Showtime' at dito sa entabladong ito. Ang gusto ko lang naman magpasaya at mag-inspire ng tao. May this show continue its purpose na magbigay ng saya at inspirasyon, tagumpay, and hope sa lahat ng madlang pipol na patuloy na nagbibigay support," pagbabahagi niya.

Bukod sa kanyang pasabog na performance, tinutukan pa rin ng madlang pipol ang weekly finals ng "Reina ng Tahanan" kung saan inuwi ni Lina San Antonio ang titulo bilang Reinanay weekly winner. Nakakuha nga siya ng 93.3% combined scores mula sa choosegados na sina Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, at Karylle.

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.