News Releases

English | Tagalog

Mga estudyateng apektado ng pandemya, tinulungan ng Knowledge Channel

February 11, 2021 AT 03 : 45 PM

Knowledge Channel Foundation, ABS-CBN, Globe Telecom, and Mary’s Way Foundation have partnered for the Big Blue Hearts Campaign, which provides them the tools for teaching and learning such as internet modems and internet load.

Mga estudyante sa Sta. Rosa, Laguna nakatanggap ng modems, internet load, at lessons mula sa Knowledge Channel 
 
Nakipagtulungan ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa ABS-CBN, Globe Telecom at Mary’s Way Foundation para ilunsad ang Big Blue Hearts Campaign para bigyan ang mga guro, estudyante, at magulang na apektado ng pandemya ng angkop na kagamitan para sa online lessons tulad ng internet modem and internet load.   

Gagamitin ito ng mga estudyante para mapanood ang video lessons sa Wikaharian series, isang palabas sa Knowledge Channel na nagtuturo sa mga bata ng wastong pagbasa ng Filipino.   

Mula nang ipakilala ang Wikharian sa Grade 1 classes sa 18 na public schools sa Sta. Rosa, Laguna noong 2019 sa ilalim ng Basa Bilang project ng KCFI, napabuti nito ang kanilang score sa mga exam.   

Sinabi ni Knowledge Channel Foundation Inc. president at executive director Rina Lopez Bautista, naging mahina ang performance ng mga estudyanteng Pilipino sa sunod-sunod na international exams at mas pinalala pa ito ng pandemya.  

“Mas nahihirapan ang mga magulang, estudyante, at pati na rin mga guro sa pag-adjust sa online o distance learning. Hindi lahat ng magulang ay may kakayanang magturo sa kanilang mga anak. Kailangan rin nila ng load, gadgets, at malakas na internet connection,” sinabi ni Bautista.   

Sinabi naman ni Dr. Manuela Tolentino, Schools Division Superintendent, Schools Division ng Sta. Rosa, na makikinabang ang mga estudyante sa donasyong ito dahil sa kahirapan nila sa buhay.    

“Wala silang sapat na budget para makabili ng load para sa online classes ng kanilang mga anak, lalo na yung may tatlo hanggang limang anak,” sinabi ni Tolentino.  

Ang “Big Blue Hearts” ay ang isa sa pinakabagong public service project ng ABS-CBN at Knowledge Channel Foundation na naglalayong magbigay edukasyon sa nangangailangang kabataan.     

Inilunsad ng “Sagip Kapamilya” ang “Gusto Ko Mag-Aral” program, na nakapagbigay ng copiers at iba pang gamit sa mga paaralan sa Visayas region. Naghahanda na ang programang ito para sa ikalawang yugto ng donation drive sa Mindanao.   

Namigay naman ng bond paper ang Bayan Mo, I-Patrol Mo sa ilalim ng “Papel Mo Sa Kinabukasan Ko” project, sa listahan ng DepEd na “last mile schools.” Ginamit ang mga nasabing papel para sa modular learning. Sa ngayon, limang paaralan sa Rizal, 10 sa Catanduanes, 10 sa Cagayan, at pito sa Isabela na ang nakinabang sa donasyon.   

Samantala, nakipagtulungan naman ang ABS-CBN Foundation at Sagip Kapamilya sa Knowledge Channel Foundation sa ilalim ng “Tulong-tulong sa Pag-ahon Para sa Edukasyon” para mabigyan ng 2,000 learners' kits na may kasamang bag at school supplies, at libro mula sa Bato Balani Foundation ang mga estudyanteng apektado ng Typhoon Ulysees sa Rizal noong isang taon.     

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE