Cardo cheats death once again in this week's action-packed episodes
Magpapatong-patong ang mga kalbaryong kailangang harapin ni Cardo (Coco Martin) para matakasan ang kamatayan sa maaksyong linggo ng Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood na gabi-gabi sa TV5.
Mula sa pagtatago niya nang matagal na panahon, haharapin na ni Cardo si Arturo (Tirso Cruz III) para hingin ang paglaya nina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) kapalit ng bihag niyang si Clarisse, ang anak ni Arturo.
Dahil alam ni Cardo na tuso ang kanilang katapat, may nakalatag na silang plano para makalabas nang buhay sa bakbakan. Ngunit baka hindi maging sapat ang paghahanda nila sa pagdating ng mga tauhan ni Lily (Lorna Tolentino) para tuluyan nang mailigpit ang buong Task Force Agila.
Dadagdag din sa unos na kailangang pagtagumpayan ni Cardo ay ang nakatakdang paghaharap muli ng Task Force Agila at ng Black Ops sa pangunguna ni Albert (Geoff Eigenmann), na gigil na gigil na mapatay si Cardo para sa ikaaangat ng ranggo niya sa trabaho.
Kaninong buhay ang susunod na malalagay sa alanganin? Kaninong grupo ang magtatagumpay?
Huwag palampasin ang maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa TV5 at A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o
iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.