Puno man ng paghihinagpis ang puso, nakatakdang bumalik sa pakikipagbakbakan si Cardo (Coco Martin) upang iligtas ang mga kaibigang nagdurusa sa kamay ng mortal na kaaway niyang si Lily (Lorna Tolentino) sa Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Nabigo ang buong Task Force Agila sa pagsagip kina Diana (Angel Aquino) at Teddy (Joel Torre) mula sa pagpapahirap nina Lily at Arturo (Tirso Cruz III), kaya naman kailangan nila ng isa pang mas malaking alas para makuha sila nang buhay.
Dahil dito, magdedesisyon si Cardo na gamiting pain si Clarisse (Rhen Escaňo), ang anak ni Arturo, habang hinahanda nilang makipaglaban sa batalyon ng mga tauhan ni Lily.
Abala man sa misyon ang grupo, nalagasan naman sila ng isang kakampi dahil tuluyan na silang tinalukuran ni Ramil (Michael De Mesa) upang sumama kay Lito (Richard Gutierrez) para maging personal bodyguard nito. Wala namang kaalam-alam si Ramil na ginagamit lang siya ng tusong si Lito upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kilos ni Cardo at ng Task Force Agila.
Magtagumpay kaya ang plano ni Cardo na sagipin sina Diana at Teddy? Malaman pa kaya ni Teddy na patay na ang anak na si Alyana?
Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o
iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.