News Releases

English | Tagalog

Lance, inuuna ang sarili sa bagong single na "Ako Muna"

March 02, 2021 AT 10 : 19 AM

The “Idol PH” third placer first rendered a heartfelt rendition of the song in the competition’s live round in 2019.

Bagong atake sa kanta ni Yeng

May mahalagang mensahe si Lance Busa tungkol sa pagmamamahal sa sarili sa bersyon niya ng orihinal na kanta ni Yeng Constantino na “Ako Muna” mula sa Star Pop.

Unang inawit ng “Idol PH” third placer ang madamdaming kanta sa live round ng kompetisyon noong 2019, na nagmarka sa kanyang mga tagasuporta.

“Ito po ‘yung bagong version na sana po magustuhan niyo kasi this song is for self-improvement, and talagang you’ll see your importance, and self-love,” ani Lance sa Instagram live para sa launch ng kanta.

Ang “Ako Muna” ay isang makahulugang awitin tungkol sa pagpili sa sarili matapos ang masakit na karanasan sa buhay na isinulat ni Yeng bilang bahagi ng kanyang 2018 “Synesthesia” album. Ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos at in-arrange ni Tommy Katigbak ang rendisyon ni Lance ng kanta.

Noong 2020, inilabas ni Lance ang debut single niya sa Star Music na “Sa Aking Mundo,” na isinulat ng songwriter-producer na si KIKX Salazar para sa kanyang “After Dark ‘The Final Hour’” EP.

Unahin ang iyong sarili at pakinggan ang “Ako Muna” ni Lance sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE