News Releases

English | Tagalog

“Fan Girl,” pinarangalan sa ika-apat na Eddys

April 06, 2021 AT 01 : 54 PM

“FanGirl” continues its winning streak as 2020’s Best Film while its director Antoinette Jadaone took home the Best Director and Best Screenplay trophies. The movie’s lead stars Paulo Avelino and Charlie Dizon also won Best Actor and Best Actress, respectively.

Black Sheep, tumanggap ng Rising Producers Circle award

Pitong tropeo ang iginawad sa pelikulang “Fan Girl,” habang kinilala naman sa kanilang pagkakawang-gawa ngayong pandemiya ang Kapamilya artists na sina Angel Locsin at Kim Chiu sa ginanap na 4th Entertainment Editors’ Choice Awards (Eddys) noong Linggo (Abril 4).

Tuloy pa rin ang pagtanggap ng karangalan ng “Fan Girl” na tinanghal na Best Film, habang nakuha rin ng direktor nitong si Antoinette Jadaone ang Best Director at Best Screenplay. Wagi rin ang mga bida ng pelikula na sina Paulo Avelino bilang Best Actor at Charlie Dizon bilang Best Actress.

Ibinahagi ni Antoinette ang kanilang mga panalo sa mga tao sa likod ng “Fan Girl” at maging sa lahat ng mga pelikulang nominado at pati ang iba pang ipinalabas noong 2020.

“Isang tagumpay ito para sa atin dahil hindi natin hinayaang mamatay ang naghihingalo nating industriya sa gitna ng pandemiya.”

Dagdag pa niya, “Ang hiling namin, kaming mga bumubuo ng Fan Gir,l ay sana 'yung Pilipinas na ipapamana natin sa mga kabataan natin, parang si Jane sa Fan Girl, ay alam ang respeto sa kababaihan lalo na sa karapatang pantao natin.”

Nagpasalamat naman ang breakout star ng “Fan Girl” sa kaniyang pamilya, taga-suporta, at mga taong naniniwala sa kanyang talento.

“Thank you po sa Eddys Awards at sa lahat po ng bumubuo ng Society of Philippine Entertainment Editors. Of course, maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa Fan Girl and sa lahat ng bumubuo ng team Fan Girl lalong lalo na kay Direk Antoinette Jadaone, thank you po. Gusto ko rin pong mag thank you sa management ko sa Star Magic family, sa Rise Artists Studio family, and sa buong ABS-CBN Films, and sa lahat po ng bumubuo sa ABS-CBN management,” ani Charlie.

Nakamit din ng “Fan Girl,” na isang proyekto ng Black Sheep ng ABS-CBN Films, Globe Studios, Project 8, Epicmedia, at Crossword Productions, ang Best Sound (Vincent Villa) at Best Editing (Benjamin Tolentino).

Samantala, hinirang din ang Black Sheep bilang Rising Producers Circle awardee para sa pagsisikap nitong gumawa ng mga kakaiba at makabagong pelikula.

Nagpasalamat ang Black Sheep head na si Kriz Gazmen sa SPEEd at sa lahat ng naging parte ng mga pelikula nila.

“It really is an honor and it warms our hearts po that there is an institution na kumikilala po sa mga producers like us who really want to break new grounds in Philippine cinema,” aniya.

Kabilang din sa nagwagi sa Eddy sang Star Magic artist na si Shaina Magdayao na tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang "Tagpuan." Tumanggap naman ng ng Isah V. Red award ang host ng “Iba ‘Yan” na si Angel Locsin at host ng “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To” na si Kim Chiu. Ipinangalan sa yumaong founding president ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang grupo sa likod ng Eddys, ang naturang gawad na kumikilala sa ipinakitang kabutihan at malasakit ng mga kahanga-hangang indibidwal lalo na sa laban sa COVID-19.

Si Robi Domingo ang nagsilbing host ng Eddys, na unang beses ginanap sa digital. Isinasagawa ito upang bigyang pugay ang pinakamahuhusay na mga miyembro ng industriya ng pelikula at entertainment.

Para sa ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.