News Releases

English | Tagalog

Borgo, mahanap na kaya ni Darna?

November 10, 2022 AT 10 : 29 AM

Don't miss the 1st season finale of "Darna" this Friday (November 11)!

Lito Pimentel, tampok sa “Darna” bilang scientist na si Dr. Ibarra
 
Patuloy ang paghahanap ni Darna (Jane De Leon) kay General Borgo (Richard Quan) sa pagnanais niyang mahuli na ang Martean na naghahasik ng lagim sa Nueva Esperanza sa season finale ng hit primetime series na “Mars Ravelo’s Darna.”
 
Tulong-tulong sina Darna, Hergis/ Master Klaudio (Joko Diaz), Lolo Rolando (Levi Ignacio), at Ding (Zaijian Jaranilla) para mahanap na ang spaceship ni Borgo at umatake sa heneral.
 
Ipinakilala na rin ang karakter ni Dr. Florentino Ibarra sa serye na ginagampanan ng veteran actor na si Lito Pimentel bilang isang scientist na namumuno sa facility na itinaguyod para ikulong ang mga Extra.
 
Ayon kay Lolo Rolando, dati niyang estudyante si Dr. Ibarra na walang pakialam kung may masaktan na tao para sa kanyang mga eksperimento. Sa pagsusuri ngang ginawa ni Dr. Ibarra, nalaman na niya na ang berdeng crystal ang nagbibigay kapangyarihan sa mga Extra.
 
Magtagumpay nga kaya si General Borgo, na nagtatago rin sa katauhan ni Madam Victoria (Carla Martinez), sa kanyang planong talunin si Darna sa tulong ni Dr. Ibarra?
 
Tuloy-tuloy ang seryeng nagtatampok sa iconic Pinay superhero sa pagwawagi sa puso ng mga manonood gabi-gabi. Higit na nga sa 15 million combined views ang naitala ng episodes nito sa YouTube pa lamang sa week 12 ng programa na ipinalabas noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4. Mahigit 15.7 million combined YouTube views din ang naitala para naman sa episodes nito noong Oktubre 24 hanggang Oktubre 28.
 
Nananatili ring bahagi ng top 10 shows ng iWantTFC ang “Darna” at patuloy na sinusundan sa Kapamilya Online Live na umani ng humigit-kumulang sa 179,000 peak concurrent viewers gabi-gabi mula Agosto 15 hanggang Oktubre 31.
 
Huwag palampasin ang season finale ng “Darna” ngayong linggo at abangan ang kwentong magbubukas sa bagong season nito simula Lunes (Nobyembre 14).
 
Napapanood ang “Darna” gabi-gabi, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.