News Releases

English | Tagalog

Mangingisdang nasalanta ng bagyong Odette, binigyan ni Noli ng bagong bangka sa "KBYN: Kaagapay Ng Bayan"

August 18, 2022 AT 08 : 59 AM

Pag-aalaga ng hito at igat sa likod-bahay, aalamin ni Kabayan ngayong Linggo

 

Halos isang taon matapos ang pananalasa ng super typhoon Odette sa Southern Leyte, bumiyahe ang "KBYN" team sa Brgy. Bobon upang malaman ang estado ng kanilang kabuhayan. Dahil nawasak ng bagyo ang mga bangkang gamit nila sa pangingisda, nahihirapan pa rin silang bumalik sa kanilang normal na paghahanapbuhay hanggang ngayon.   

Bilang pagbibigay ng pag-asa sa mga biktima ng bagyong Odette, naghandog si Kabayan Noli de Castro, katuwang ang ABS-CBN Foundation at Lingkod Kapamilya, ng bagong bangka para sa mga mangingisda sa Leyte sa bagong episode ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ngayong Linggo (Agosto 21).   

Samantala, aalamin ng "KBYN" team ang tungkol sa pag-aalaga ng igat at hito na pwede ninyong ikaasenso. Ibinahagi ni Vice Mayor Martin Angeles ng Bustos, Bulacan ang kanyang negosyo na pag-aalaga at pagbebenta ng hito, ang pangalawa sa pinakasikat na isda sa bansa kasunod ng tilapia, na kung saan malaki-laki ang kinikita niya rito.  Habang ang dating boy mula sa Laguna na si Arnel Alfaro, naging big time naman sa eel farming na negosyo. 

Maaari ring makipagsapalaran sa fish farming na ito ang mga manonood dahil ang pag-aalaga ng igat at hito ay pwedeng gawin rin lamang sa likod ng bahay.   

Tunghayan ang mga kuwentong ito sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan" ngayong Linggo (Agosto 21) simula 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at sa news.abs-cbn.com/live