Boom Labrusca joins "Darna" as Silent Shocker.
Boom Labrusca, mapapanood bilang Silent Shocker
Sunod-sunod na ang pagpatay ng Babaeng Ahas (Janella Salvador) sa mga kriminal sa syudad ng Nueva Esperanza na nagpapatunay ng matinding lakas niya na yayanig sa “Mars Ravelo’s Darna” na pinangungunahan ni Jane De Leon.
Matapos niyang patayin ang isang judge na hindi patas ang naging desisyon sa kaso ng kanyang kliyente, pumatay siya ng isang drug pusher at niligtas din niya ang isang babae mula sa tangkang panggagahasa at tuluyang pinatay ang lalaking nagtangka rito.
Patuloy naman ang pagtatanggol ng kanyang human alter-ego na si Regina Vanguardia sa mga suspek na hindi nabibigyan ng tamang hustisya. Lingid pa rin sa kaalaman niya na siya mismo ang Babaeng Ahas na umaatake sa mga kriminal at siyang hinahangaan ngayon ng mga tao bilang ang bagong bayani ng kanilang lugar.
Sa nakatakdang pagsuko ni Clone Man (Neil Coleta) sa mga pulis sa tulong ni Darna, lumabas na kaya nang tuluyan ang mapangahas na katauhan ng Babaeng Ahas? Siya nga kaya ang pinakamalakas na sandata na tinutukoy ni Heneral Borgo na inihahanda niya laban sa protektor ng mahiwagang bato?
Samantala, patuloy ang pagsisikap ni Hergis/ Master Klaudio (Joko Diaz) na makalapit kay Darna sa pamamagitan ni Mang Rolando (Levi Ignacio). Magtagumpay kaya siya sa balak na tulungan ito laban sa mga plano ni Heneral Borgo?
Ipinasilip na rin sa “Darna” ang bagong karakter na ginagampanan ni Boom Labrusca. Ano kaya ang magiging papel ng tinaguriang Silent Shocker sa buhay ng mga taga-Nueva Esperanza?
Abangan ang matinding bakbakan sa mga susunod na araw sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available din ang seryeng handog ng ABS-CBN at prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa
Facebook at
Twitter (@JRBcreativeprod) at sa
Instagram (@JRBcreativeproduction). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
TikTok, at
Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.