Sama-sama muli sa ASAP stage ang inyong paboritong Kapamilya stars para maghatid ng saya at world-class performances ngayong Linggo (Enero 22) sa "ASAP Natin 'To" on Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Maaksyon ang mga pasorpresa ng "The Iron Heart" stars na sina Jake Cuenca, Sue Ramirez, Sofia Andres, Enzo Pineda, Pepe Herrera, at Albert Martinez na sasabayan ng big birthday bash ng lead star nitong si Richard Gutierrez at matinding pag-awit ni Khimo Gumatay.
Bago rin ang inaabangang premiere ng teleseryeng "Dirty Linen," lalarga rin sa ASAP stage ang cast nitong sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino, Joel Torre, JC Santos, Christian Bables, Jennica Garcia, Xyriel Manabat, at Tessie Tomas na may kasamang back-to-back kantahan nina Kice at Cesca.
Maki-party pa sa inyong favorite hits kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama sina Elha Nympha, Fana, Ann Raniel, Janine Berdin, Lara Maigue, Krystal Brimner, Vivoree, Karina Bautista, Jameson Blake, Edward Barber, Enchong Dee, MNL48, at ang buong ASAP family.
Samantala, may Chinese New Year treat din ang reyna ng dancefloor na si Kim Chiu, habang tuloy-tuloy ang tapatan sa dancefloor tampok ang "Clash Dance" hatawan nina Chie Filomeno at Maris Racal.
Damang-dama rin ang senti vibes sa new single performance ni Moira dela Torre, at puno naman ng inspirasyon ang balladeer kantahan nina Gary Valenciano, Khimo, JM Yosures, Reiven Umali, Bryan Chong, Lucas Garcia, at Enzo Almario. May tribute ding inihanda sina Zsa Zsa Padilla at Martin Nievera para sa ating global Pinoys.
At huwag palampasin ang all-star boyband hits biritan nina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik Santos, at Regine Velasquez kasama sina Darren, Reiven, JM, Klarisse de Guzman, Sheena Belarmino, Jason Dy, at Angeline Quinto sa "The Greatest Showdown."
Abangan ang lahat ng ito sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.