Musika mula kina Jamie Rivera, Angela Ken, Francine Diaz atbp.
Inilunsad ng bagong record label ng ABS-CBN Music na Inspire Music ang iba't ibang inspirational songs mula sa Kapamilya artists na sina Jamie Rivera, Angela Ken, Fabio Santos, Fana, Francine Diaz, Imogen, KD Estrada, at Jed Madela.
"We want to generate faith para mas maraming tao ang maniwala sa Panginoon at magkaroon ng hope pati na rin pagmamahal sa kapwa. Iyon ang ultimate goal ng Inspire Music," saad ni Jamie, Inspire Music label head.
Nakasama rin niya sina Francine, KD, at Jed para sa uplifting track na "Hope, Faith and Love" na nagbibigay halaga sa pandaigdig na kapayapaan
Bukod dito, bumida rin ang Inspirational Diva kasama ang "It's Showtime" child star Imogen at "The Voice Kids" season 5 contestant Fabio Santos sa panibagong remix ng "3-in-1" na may mensahe ng paniniwala sa Panginoon.
Ipinakita ng folk pop artist na si Angela Ken ang kwento ng pag-ibig at pag-asa sa kanyang upcoming single na "Pansinin Mo Naman Ako" na ilalabas sa ilalim ng Inspire Music.
Samantala, binigyan naman ng modern twist ng baguhang singer na si Fana ang Gloc-9 hit song na "Love Story Ko" na isinulat ni A. Polisco at Christian Martinez at iprinodyus ni Jamie na inilabas noong Biyernes (Nob. 10).
Abangan ang mga bagong awitin ito mula sa Inspire Music. For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.