Janine inaakit si Zanjoe…
Mainit na pinag-uusapan sa social media ang umiigting na mga komprontasyon sa trending Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” matapos itong makakuha ng pinagsama-samang isang bilyong online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Gabi-gabing trending sa Twitter Philippines ang serye kung saan puring-puri ng netizens ang sunod-sunod na pasabog na rebelasyon, pati na rin ang matinding aktingan ng cast na pinangungunahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin.
Kabilang ang “Dirty Linen” sa top two TV shows sa iWantTFC at mayroon din itong all-time high viewership record na 141,957 live concurrent views sa Kapamilya Online Live kung saan lalong tumitindi ang paghihiganti ni Alexa/Mila (Janine) dahil mukhang gumagana ang pang-aakit niya kay Aidan (Zanjoe) para pabagsakin ang pamilya Fiero.
“Ang powerful masyado ng bawat eksena ng Dirty Linen and in fairness, sobrang galing talaga ng musical score, the transitions and thought provoking themes are light years away from anything we have seen in Philippine television,” sabi ni @dirtylenin sa social media.
“Fierce. One word to describe #DirtyLinen from the masterful direction, amazing actors and ensemble, powerful dialogue, near flawless cinematography and a musical score that is both thematic and thought provoking. Truly amazing!” komento ni @Mist3frine.
Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, tiyak na mas maraming manonood ang manggigigil sa pamilya Fiero dahil aligagang-aligaga na si Carlos (John Arcilla) sa tinatagong sikreto ng kanyang asawang si Leona (Janice de Belen). Hindi pa alam ni Carlos na may sarili pa lang iligal na sabungan ang kanyang misis na maaaring mapabagsak sa kanilang pamilya kapag nalaman ito ng mga otoridad.
Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.