News Releases

English | Tagalog

Piolo, emosyonal sa pagtatapos ng "Pamilya Sagrado"

November 06, 2024 AT 03 : 30 PM

Although playing a complex character was challenging, Piolo shared how he took the risk that eventually helped him improve in his craft

Naiyak dahil sa mabigat na eksena…

Bakit nga ba naluha si Piolo Pascual habang pinapanood ang sariling eksena sa “Pamilya Sagrado”?

Aminado si Papa P na emosyonal ang pagtatapos ng Kapamilya teleserye sa huling dalawang linggo at proud siya sa kinalabasan nito kasama ang co-stars na sina Grae Fernandez at Kyle Echarri.

“Nakaka-touch, nakakaiyak [ang episodes]. I was watching the episode last night and I was sobbing sa sarili kong eksena. Ganun siya kabigat at intense. Ang hirap ng journey kaya kailangan maganda ‘yung ending,” sabi niya sa finale mediacon na ginanap kahapon (Nobyembre 5).

Sa kabila ng matinding hamon sa pagganap bilang tiwaling opisyal, buong puso itong tinanggap ni Piolo at nagpapasalamat siya sa impact nito sa kanyang career.

“It’s given me a different perspective on how to portray roles. I enjoy the process of being able to give life to a character and be somebody else. I played a role that I never thought I’d be able to play this early in my career,” kwento niya.

Sa huling dalawang linggo ng “Pamilya Sagrado,” hahantong sa bingit ng kamatayan ang planong pagsagip ni Rafael (Piolo) sa magkaribal niyang mga anak dahil sasabog na ang galit ni Moises (Kyle) at mag-isang susugurin si Justin (Grae) sa kasal nito kay Felicia (Alyanna Angeles).

Mag-tutuos na rin ang mga Sagrado laban sa kanilang mga kaaway kung saan maaaring may magbuwis ng buhay. Sasagarin na kasi ni Jaime (Tirso Cruz III) ang kanyang galit dahil malalaman niyang patuloy siyang ipinagtataksil ng fiancée niyang si Divine (Aiko Melendez) para mabigyan ng hustisya sina Rafael.

Huwag palampasin ang pasabog na pagtatapos ng “Pamilya Sagrado” sa Nobyembre 15 ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Pamilya Sagrado.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Napapanood din ang mas maikling mga episode tampok ang pinaka-maiinit na eksena sa “Pamilya Sagrado Fast Cuts” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE