News Releases

English | Tagalog

Open Air Cinema One, handog ang "Wonka" at "Charlie and the Chocolate Factory" ngayong kapaskuhan

November 07, 2024 AT 01 : 13 PM

Open Air Cinema One offers free screening of "Wonka" and "Charlie and the Chocolate Factory" with musical performance from Arthur Miguel happening this Nov. 30.

Musical treat mula kay Arthur Miguel tampok din

Maagang pamasko ang hatid ng “Open Air Cinema One” tampok ang fantasy comedy films na “Wonka” at “Charlie and the Chocolate Factory” na libreng mapapanood sa Nobyembre 30 (Sabado) sa Capital Commons, Pasig City.

Hatid ng “Open Air Cinema One” kasama ang Ortigas Land, Capitol Commons, at Estancia ang isang araw na puno ng musika, pelikula, at mga palaro na swak para sa pamilya at barkada.

Samahan ang magical adventure ni Willy Wonka mula sa pagiging chocolate genius sa mga pelikulang “Wonka” at “Charlie and the Chocolate Factory” na binigyang buhay nina Timothée Chalamet at Johnny Depp.

May handog din na musical treat ang “Lihim” hitmaker na si Arthur Miguel para sa mga manonood habang pangugunahan naman ito ni Aiyana Perlas bilang host.

Bukod sa movie screening at musical performance, may iba’t ibang booth at on-stage games, pet fashion show, at food stalls din ang nakahanda para sa mga bisita.

Makisaya sa OpenAir Cinema One na gaganapin ngayon Nobyembre 30 (Sabado) sa Capitol Commons, Pasig City. Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE