The Trusted Brands Awards body praised ABS-CBN for its innovation in creating meaningful stories that transcend global audiences and being in the service of Filipinos worldwide
Kinilala rin sina Vice Ganda at Kabayan Noli de Castro
Patuloy pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa ABS-CBN, ang nangungunang content provider sa bansa, matapos muling kilalanin bilang isa sa trusted brands at masungkit ang Gold award sa Reader's Digest Trusted Brands Awards 2024 nitong Marso 22 (Biyernes).
Maliban sa paghirang bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang TV network sa bansa, kinilala ang ABS-CBN sa inobasyon nito bilang global storytelling company at ang misyon nitong magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino sa pabibigay ng saya at paghahatid ng mga balita.
Samantala, hinirang din bilang Most Trusted personalities ang "It's Showtime" host na si Vice Ganda at beteranong news anchor na si "Kabayan" Noli de Castro.
Sa ika-6 na taon, kinilala muli si Vice bilang Most Trusted Entertainment and Variety Presenter para sa kanyang kontribusyon sa entertainment at komedya, pati sa kanyang adbokasiya sa likod ng camera.
Inuwi naman ni Kabayan ang Most Trusted Radio Presenter para sa kanyang makabuluhang pagbabalita sa radyo, sa pamamagitan ng kanyang long-running radio news program na "Kabayan" sa DWPM Radyo 630/TeleRadyo Serbisyo, at "TV Patrol."
Sa ika-26 nitong taon, ang Reader's Digest Trusted Brands Awards ay kumikilala sa mga kumpanya at brand na pinagkakatiwalaan ng publiko sa kanilang serbisyo at kalidad.
Ito ay base sa survey na isinagawa ng nangungunang research company na Catalyst sa higit 8,000 konsumer mula Pilipinas, Singapore, Malaysia, Hong Kong, at Taiwan.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.