News Releases

English | Tagalog

Karen, nag-food trip kasama ang dating Sexbomb dancer na restaurant owner na sa "My Puhunan"

May 10, 2024 AT 08 : 53 AM

Karen Davila goes on a food trip with former Sexbomb dancer Mia Pangyarihan, owner of 27 branches of Yoshimeatsu, a Japanese-Korean-themed restaurant, as she shares with Karen her journey to success in “My Puhunan” this Saturday (May 11).

Migs, itatampok ang 80 tayong gulang na TikTok seller
 

Isang nakakabusog na Sabado ang hatid ni Karen Davila dahil sa kanyang food trip kasama ang dating Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan, may-ari ng 27 branches ng Yoshimeatsu, isang Japanese-Korean-themed restaurant, kung saan ibabahagi niya ang kanyang kwento ng tagumpay sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Mayo 11).

Bago maging isang matagumpay na negosyante, inalala ni Mia na marami siyang sinubukang trabaho kabilang na ang pagiging bahagi ng isang service crew ng mga fast-food chain para lamang matustusan ang kanyang pamilya. Nang umalis si Mia sa Sexbomb, sinubukan din niyang magkaroon ng solo showbiz career, pero sa negosyo ni Mia nahanap ang matamis na tagumpay.

Samantala, makikilala naman ni Migs si Nanay Liza Belza, isang 80 taong gulang na online seller, na personal na gumagawa ng scrunchies at head bands at nagbebenta nito sa TikTok. Ayon kay Nanay Liza, ang pananahi ang paraan niya para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Kilalanin sina Mia at Nanay Liza sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama si Karen Davila at Migs Bustos na ipinapalabas tuwing Sabado ng 5:00 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE