News Releases

English | Tagalog

Juan Karlos, ilalahad ang kanyang inspirasyon sa buhay sa "Tao Po"

May 09, 2024 AT 04 : 40 PM

Juan Karlos credits his mom for encouraging him to pursue his singing career dreams, and that her memory keeps him going

Ibabahagi rin ni Dimples Romana ang pagiging full-time actress at ina

Ngayong Mother's Day, alay ni Juan Karlos sa kanyang namayapang ina ang kanyang kwento ng tagumpay sa musika at pag-arte na matutunghayan sa "Tao Po."

Kamakailan lamang, nakatamasa ng global recognition si Juan Karlos para sa kanyang kantang "Ere", na unang OPM song na pumasok sa global chart ng Spotify. Ngayon, balik ulit siya sa harap ng kamera para sa sequel ng youth-oriented series na "Senior High" na pinamagatang "High Street." Sa likod ng mga oportunidad na ito, ibinahagi niya kay Jeff Canoy kung paano patuloy na nagbibigay inspirasyon ang yumaong ina sa kanyang musika at buhay.

Samantala, kinamusta rin ni Victoria Tulad ang award-winning actress na si Dimples Romana, na proud full-time mom din sa kanyang tatlong anak. Maliban sa pagbibigay ng helpful tips sa mga magulang, babalikan din ni Dimples ang kanyang motherhood journey habang nakikipagsapalaran sa showbiz.

Tampok naman sa kwento ni Kabayan Noli de Castro ang katatagan ni Janeth, isang ina na umaaruga sa dalawa niyang anak na may kapansanan. Sa kabila ng mga hamong na kanyang pinagdaraanan, hindi nagpatinag ang pagmamahal at sakripisyo ni Janeth mabigyan lang sila ng maayos na buhay.

Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (May 12) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News' YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom