News Releases

English | Tagalog

"PBB Gen 11," nagtala ng panibagong all-time online viewership record

September 26, 2024 AT 12 : 05 PM

"Pinoy Big Brother Gen 11" sets a new all-time online viewership record on Kapamilya Online Live via YouTube—posting a record-high 522,850 concurrent views

Nominado naman ngayong linggo sina Fyang, Jarren, at Kai

Panibagong all-time online viewership record ang naitala ng "Pinoy Big Brother Gen 11" matapos tumabo ng mahigit 522,000 concurrent views sa Kapamilya Online Live via YouTube ang eighth eviction episode nito noong Sabado (Setyembre 21).

Sa nasabing episode natunghayan ang pagbabalik ni Jas sa outside world matapos lamang makakuha ng 23.44% votes to save, kumpara kina Kolette na may 40.42% habang si JM ay nakakalap ng 36.14%.

Ngayong linggo naman masusubok ang pagkakaibigan ng mga Housemate nang atasan sila ni Kuya na mag-pares silang pinakamalapit sa isa't isa at harapin ang kanilang trick shot weekly task. Haharap ang mag-pares na Housemates na mapagtagumpayan ang kanilang mapipiling trick shot challenge sa loob ng walong oras.

Kapalit nito ay P10,000 kapag napagtagumpayan nila ang task, subalit isa lang sa mag-pares ang maguuwi nito para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, nanganganib namang mapalabas sa bahay sina Fyang, Jarren, at Kai ngayong Sabado (Setyembre 28). Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang mailigtas, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
 
Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
 
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.
 
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.