News Releases

English | Tagalog

"The Remixes Volume 3" ng StarPop, tampok ang hit songs nina Belle, KDLex, Vice Ganda, atbp.

February 11, 2025 AT 01 : 25 PM

Handog ang 15 awitin na may bagong tunog 

Inilabas na ang “StarPop: The Remixes Volume 3” album na naglalaman ng remix ng 15 pop songs mula sa Kapamilya artists tulad nina Belle Mariano, Alexa Ilacad at KD Estrada, at Vice Ganda.  

Kabilang sa bagong collection ang remix ng mga awiting “Apelyido,” “Biglaan,” at “Walang Pake” ni Belle pati na rin ang “Believing in Magic” collab niya kasama sina Alexa Ilacad at Francine Diaz.” 

May dalawang fun remix naman ang “Bwak, Bwak, Bwak!” ni Vice Ganda, ang Clean Version at Explicit Version na kasama rin sa album.   

May bagong tunog din ang “Kung Naging Tayo” ni Alexa at “Walang Hanggang” duet nila ni KD Estrada. 

Ang bagong remix album ay inareglo ni Theo Martel at prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos. 

Kasama rin dito ang reimagined versions ng “Ikaw at Ikaw” ng P-pop group na 1621BC, “Di Ka Nag Behave” at “Iba Ka” ni Seth Fedelin,” “You Didn’t” at “Masterpiece” ni Anji Salvacion,” “Karapatdapat” ni Kakai Bautista, at “Oh Divine Diva” ng grupong Divine Divas. 

Napapakinggan na na ang “StarPop: The Remixes Volume 3” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom