News Releases

English | Tagalog

Coco, excited sa pagsasanib-pwersa ng mga bigating artista para sa "FPJ's Batang Quiapo"

February 14, 2025 AT 08 : 49 AM

Primetime King Coco Martin is more than honored to bring together a stellar combination of new stars and veteran actors for “FPJ’s Batang Quiapo."

Andrea, Jake, Angel, Albert, Chanda, at Celia proud na makatrabaho si Coco

Excited na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya para sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na nagbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon ng serye.

Sa “Tatak BQ: The FPJ's Batang Quiapo 2nd Anniversary Special,” ikwinento ni Coco kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. Kamakailan nga lang ay inanunsyo ang bagong cast members tulad lamang nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.

“Overwhelming para sa akin. Kasi imagine niyo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin mga veteran actor na mga icon na sa industry. Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon,” saad ni Coco.

Para kay Andrea, inamin niyang nape-pressure siya sa pagsalang sa isang bigating cast. “I am feeling a bit pressured, pero I am more grateful than I am pressured. I will use that pressure as motivation to be better kasi iba ang experience dito sa ‘BQ.’ Matagal ko nang nire-request na gusto ko mag-action,” sabi niya.

Malaki din ang pasasalamat ni Jake na muling makatrabaho si Coco matapos nilang magsama sa ilang Kapamilya teleserye noon na itinangkilik ng mga manonood.

“I’m really grateful to be part of this big and successful project. I’m just excited to experience the best version of Coco Martin,” sabi ni Jake. 

Proud din ang veteran actresses na sina Chanda at Celia na mapabilang sa napakahalagang serye at excited na rin sila na maka-eksena si Coco. 

“I’ve heard so much about Coco and I know of the success of ‘Batang Quiapo’ and I wanted to see this guy in action and see it first-hand,” kwento ni Chanda. Sabi naman ni Celia, “I’m so proud that I’m here. Everybody wants to be in this cast.”

Samantala, ipinahayag din nina Albert at Angel kung gaano sila kasaya sa kanilang pagbabalik-aksyon kasama si Coco matapos nilang mapabilang sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan importanteng mga karakter ang ginampanan nila.

Mapapanood ang three-part special ng “Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special” sa Facebook pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE