News Releases

English | Tagalog

Julia, Zia, Sharon lalong magpapaiyak sa "Saving Grace: The Untold Story"

February 18, 2025 AT 08 : 21 PM

“Saving Grace: The Untold Story" delves into the lives of four different mothers, played by Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia Montes, and Sharon Cuneta

Gabi-gabing mapapanood sa Primetime TV simula Marso 3
 
Lalong madudurog ang puso ng sambayanang Pilipino dahil buong-buo nang mapapanood ang “Saving Grace: The Untold Story,” tampok ang ilang mga bagong eksena na pinagbibidahan nina Julia Montes, Zia Grace, at Sharon Cuneta. Gabi-gabi itong ipapalabas sa primetime TV simula Marso 3 ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Handog ng “Saving Grace: The Untold Story” ang ilan pang mga makabagbag-damdaming eksenang hindi pa ipinapalabas noong nag-premiere ito sa Prime Video, kung saan namayagpag ito bilang numero unong show. 

Napukaw ang damdamin ng mga manonood ng “Saving Grace” dahil sa mahusay na pagganap ng cast sa kwentong sumasalamin sa mga sakripisyo ng bawat ina para sa kani-kanilang mga anak.

Malaking rebelasyon din sa serye si Zia, kung saan binansagan siya ng mga manonood bilang next big child star ng Pilipinas. Pinuri si Zia para sa kanyang natatanging pagganap sa isang batang inaabuso ng sariling ina. 

Ang “Saving Grace: The Untold Story" ay tungkol sa pag-kidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina. Mas lalong matutuklasan din sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon.

Ito rin ang nagsisilbing primetime TV comeback nina Julia, Sharon, at Sam.

Tutukan gabi-gabi ang “Saving Grace: The Untold Story” simula ngayong Marso 3 (Lunes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.