News Releases

English | Tagalog

"Bababa" single ng 1621, pasok sa Spotify PH Viral Songs Chart

April 29, 2025 AT 03 : 51 PM

AC, BGYO, SB19 atbp, nakisali sa “BABABA” dance trend

Patuloy ang pag-arangkada ng P-pop group na 1621 matapos makapasok ang kanilang awitin na “Bababa” sa top 30 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart.

Naabot ng awitin ang ika-26 na pwesto sa nasabing chart at kasalukuyang may mahigit 300,000 streams na ito sa Spotify. Nakisaya rin ang iba’t ibang artista sa “Bababa” dance trend tulad nina AC Bonifacio, BGYO, “PBB Gen 11” housemates na sina Kolette Madelo, Jas Scales, Rain Celmar, SB19, at marami pang iba.

Kamakailan ay inilabas ng 1621 members na sina JM, JC, Pan, Win, Migz, at DJ ang bagong mini album na “Sapulso.” Para sa grupo, naging defining moment ito dahil unti-unti nilang nahanap ang sound at style na swak sa kanila.

“Dito po talaga namin na-receive ‘yung reaction ng supporters from social media platforms na ‘bagay sa kanila mga ganitong songs, ito ‘yung song na nagsu-suit talaga sa kanila.’ So doon po namin na-realize na ‘ah oo nga naman, ‘yun talaga ‘yung song namin kasi pag-pinerform po namin para mas confident, comfortable kami,’” saad ni JM sa panayam ng Push.

Bukod dito, tampok ang “Bababa” sa iba’t ibang editorial playlists tulad ng Spotify OPM Rising, PPop On The Rise, Viral Hits PH, at New Music Friday PH.

Inawit ng grupo ang viral song sa Pinoy Media Congress 2025, ang annual conference para sa communications students mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa handog ng ABS-CBN at PACE na ginanap kamakailan sa University of Makati.

Nitong unang bahagi ng taon, nagpasiklab ang 1621 sa kanilang performance sa PBA Finals Game halftime show at sa unang leg ng BINIverse World Tour pre-show na naganap sa Philippine Arena.

Makisaya sa “Bababa” dance trend ng 1621 at pakinggan ang bagong mini album na “Sapulso” na available sa iba’t ibang streaming platforms.  Para sa updates, sundan ang 1621 sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok

Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.