News Releases

English | Tagalog

Andrew patay na, Laura naging suspek sa hit British series na "Liar"

April 03, 2025 AT 02 : 30 PM

Napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5


Lalong tumitindi ang kaba tuwing gabi nang maging prime suspect si Laura sa pagkamatay ni Andrew sa hit na British drama-mystery series na “Liar”  na napapanood gabi-gabi ng 10:15 PM sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Naging pangunahing suspek si Laura (Joanne Froggatt) sa pagkamatay ni Andrew (Ioan Gruffud) na nangyari matampos ma-grant ang arrest warrant sa huli dahil sa kasong rape. Sa paglabas ni Laura sa presinto, sinalubong siya ng press na nagkukumahog na mahingan siya ng komento sa nasabing krimen.

Dinala ang nobyo ni Laura na si Ian sa istasyon kung saan siya kinuwestiyon sa pagkakasangkot ni Laura sa pagpatay kay Andrew. Inidanadawit din siya sa kaso bilang kasabwat ni Laura.

Makakamit kaya ni Laura ang hustisyang hinahangad niya, o siya ang mananagot sa pagpatay kay Andrew?

Nakakuha ng postibong reviews ang 2020 series mula sa British audiences, na pinuri ang pagganap ng lead stars na sina Joanne Froggatt, na sumikat sa historical drama na “Downton Abbey,” at Ioan Gruffudd, na gumanap sa superhero movie na “Fantastic Four.”

Huwag palampasin ang suspense, misteryo, at nakakagulat na twists sa “Liar,” gabi-gabi, simula 10:15 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5. 

Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, TikTok, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE