Gelli and Candy reflect on their struggles and experiences as moms in "Stars on Stars."
Usapan tungkol sa pagpapalaki sa isang neurodivergent child at pinakamalaking papel na ginampanan nila
Nagbukas ng kanilang damdamin ang longtime friends at batikang aktres na sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan tungkol sa kanilang samahan at mga pagsubok bilang ina sa Mother’s Day episode ng “
Stars on Stars” ng Jeepney TV.
Ibinahagi ni Candy na malaki ang naging epekto sa kanya ng pagiging ina sa isang anak na neurodivergent o may kapansanan.
“Hindi ako perfect na mom kaya I’m trying my best. My most and least favorite part of being a mother is taking care of Quentin. Mahirap siya pero ito yung dahilan bakit ako umayos bilang tao,” kwento niya.
Ipinahayag naman ni Gelli kung paano naging pinakamalaking hamon at biyaya sa kanyang buhay ang pagiging nanay sa kanyang dalawang anak.
Aniya, “Ang pagiging ina, walang manual. Pero kahit mahirap, ‘yun ang role na hindi ko ipagpapalit kahit kailan.”
Binalikan din nila ang kanilang pagkakaibigan na tumagal sa kabila ng panahon at hamon sa mundo ng showbiz.
“Nakakatuwa kasi kahit ilang taon na ang lumipas, nandito pa rin kami para sa isa’t isa,” ani Gelli.
“Masarap yung may kaibigan kang kilala ka—lahat ng kalokohan at kahinaan mo—pero nandiyan pa rin,” dagdag ni Candy.
Panoorin ang masaya at madamdaming kuwentuhan nina Gelli at Candy sa “Stars on Stars” na napapanood sa JeepneyTV Facebook page at YouTube channel. Para manatiling updated, sundan ang Jeepney TV sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
Tiktok at mag-subscribe sa
YouTube channel nito.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok, o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.