News Releases

English | Tagalog

Jeremy G, naglabas ng bagong awitin na "Parking Lot" tampok sina Chie Filomeno, Darren Cashwell

May 19, 2025 AT 01 : 27 PM

The pop R&B track will be part of Jeremy's upcoming EP.

Bagong anthem para sa namumuong pag-ibig

Nagbabalik sa music scene ang Kapamilya singer-songwriter na si Jeremy G hatid ang bagong single na “Parking Lot” tampok sina Chie Filomeno at pop duo na Darren Cashwell.

Isinulat at prinodyus ni Jeremy ang awitin kasama ang Darren Cashwell na tungkol sa pag-ibig na nagsimula sa isang night out sa club. Patikim ito sa bagong extended play (EP) niya na ilulunsad ngayong taon.

“It’s been over a year and a half since I released songs for myself. And now here’s the start of a new era,” saad niya sa Instagram post.

Ipinarinig ni Jeremy sa “ASAP” kamakailan ang “Parking Lot” kung saan kasama niya sa performance sina AC Bonifacio, Gela Atayde, Jameson Blake, Jas Dudley-Scales, Kolette Madelo, at Ken San Jose. 

Naging bahagi naman ang kanta ng New Music Friday Philippines playlist ng Spotify.

Noong 2023, inilabas ng Star Music artist ang kanyang first studio album na “Late Night Madness” tampok ang collaboration nila ni BINI Aiah na “BINI” at duet kasama ang OPM icon na si Regine Velasquez-Alcasid na “Moonlight Kisses.” 

Bukod sa pag-awit, nakapagsulat din siya ng mga awitin para sa iba’t ibang artists tulad nina Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Belle Mariano, Angela Ken, at marami pang iba.

Pakinggan ang “Parking Lot” nina Jeremy G, Chie Filomeno, at Darren Cashwell na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.