News Releases

English | Tagalog

Theater actor na si Vien King, naglabas ng debut single na "Isa Pang Habang Panahon"

May 20, 2025 AT 01 : 02 PM

“Liwanag Sa Dilim” star, pinasok na ang industriya ng OPM! 


Handa nang ipakita ng award-winning theater actor na si Vien King hindi lang ang kanyang talento kundi pati ang kanyang puso at authenticity sa kanyang unang single na “Isa Pang Habang Panahon.” 

Nanalo siya ng “Best Actor in a Musical” sa Gawad Buhay at LEAF Awards sa kanyang pag ganap sa role na Giorgio sa musical na Passion noong 2019 at kamakailan lamang ay naging katambal nya si Alexa Ilacad sa “Liwanag Sa Dilim.” Bibida rin ang naging finalist ng “BidaMan” ng It’s Showtime sa nalalapit na musical na “Side Show.” 

Isang madamdaming ballad ang kanyang awitin na “Isa Pang Habang Panahon” na tungkol sa pag-ibig na humihiling ng isa pang pagkakataon na isinulat ni Kiko Salazar, under Star Music.

“The first time I heard the song, it felt like it was written for me,” ani Vien. “It’s about love that lasts or love that wants to last. It’s something many of us carry quietly in our hearts. I wanted to give that feeling a voice.”

Sabi niya, “I’m excited to explore this new chapter. Theater will always be home, but music allows me to share a more personal side of who I am. I hope people find comfort, hope, or even healing in the songs I sing.”

Excited na nga ang baguhang recording artist sa bagong kabanata ng kanyang karera at ibahagi ang kanyang talento gamit ang kanyang musika. 

Mapapakinggan na ang debut offering ni Vien na “Isa Pang Habang Panahon” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twtter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE