A more exciting way to learn to read awaits learners with the new season of the Knowledge Channel Foundation, Inc.'s (KCFI) reading series “Wikaharian,” which a senator described as a meaningful step toward nurturing young Filipinos’ love for reading and culture.
Sen. Loren Legarda, bahagi ng paglulunsad ng “Wikaharian” para sa Grade 2 learners
Mas pinasayang paraan ng pagkatuto ang hatid sa kabataang Pinoy ng bagong season ng “Wikaharian” ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) na layong palakasin ang kasanayan sa pagbabasa ng mga chikiting sa Grade 2.
Pinangunahan ni Sen. Loren Legarda ang opisyal na paglulunsad ng “Wikaharian” nitong Hunyo 26 sa Rockwell Business Center at binigyang-diin ang kahalagahan ng nasabing reading series para paunlarin at mas yakapin ng mga chikiting ang wika at kulturang Pinoy.
Aniya, “The Wikaharian series is a testament to our commitment to nurturing a generation of Filipino learners who are not only literate but also culturally grounded and socially compassionate.”
Mas pinalalim at mas exciting ang bawat episode ng bagong season tampok ang nakaaaliw na kwentuhan at awitan kasama ang host at real-life advocate ng pagbasa na si teacher Michelle Agas.
Pursigido naman si KCFI president at executive director Rina Lopez na ipagpatuloy ang “Wikaharian” matapos ang matagumpay na unang 50 episodes nito noong 2022.
Aniya, “It is essential that our young learners develop the necessary skills in reading, given that these dictate their ability to learn at higher grade levels.”
Dinaluhan ng partners ang official launch ng bagong programa kasama ang Department of Education, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at iba pang stakeholders mula sa sektor ng edukasyon at media.
Napapanood ang “Wikaharian Grade 2” sa Knowledge Channel Filipino Grade 2 curriculum block, mula Lunes hanggang Linggo, 8am at may replays tuwing 8pm, via BEAM channel 31, cable, direct-to-home satellite DTT, at online sa iWant. Napapanood din ito sa Knowledge Channel School Anywhere sa Kapamilya Channel and A2Z.
Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.
Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.