News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, best TV station sa Platinum Stallion Media Awards

April 14, 2018 AT 05:58 PM

ABS-CBN wins best TV station at the Platinum Stallion Media Awards

ABS-CBN, the country’s leading media and entertainment company, dominated the Platinum Stallion Media awards at the Trinity University of Asia, as it won its 4th Best TV Station from the award-giving body, on top of 23 more awards.

Tinanghal ang ABS-CBN bilang Best TV Station sa ika-apat na pagkakataon sa Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia at umani ng 23 pang mga tropeo dito. 
  
Nagwaging best primetime TV series ang “Wildflower” habang ang mga bida nito na si Maja Salvador ay nanalong best actress. Best supporting actress naman si Aiko Melendez at best supporting actor si RK Bagatsing. 
Pinarangalan si Tirso Cruz III bilang Trinitian Media Practitioner for Television, at si Joseph Marco ay ginawaran ng special citation bilang Trinitian Media Personality for 2018.
 
Panalo rin si Coco Martin bilang best actor para sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” habang ang “Maalaala Mo Kaya” ang panalong best drama anthology.
 
Best celebrity talk show ang “Gandang Gabi Vice,” habang ang host naman nito na si Vice Ganda ang best celebrity talk show host. Panalo rin ang “I Can See Your Voice” bilang best game show, habang ang host nito na si Luis Manzano ang best game show host. Ang “It’s Showtime” ang itinuring na best variety show at ang host nito na si Anne Curtis ang nanalong best TV host.
 
Ang mga bida ng “La Luna Sangre” na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nanalong best male TV personality at best female TV personality.
 
Sa kategoryang pampelikula, panalo si Piolo Pascual bilang best actor at si Toni Gonzaga bilang best actress para sa kanilang pagganap sa “Last Night” ng Star Cinema.
 
Sa AM Radio, pinangalangang best AM radio program ang “Failon Ngayon” ng DZMM Radyo Patrol 630. 
 
Ilan rin sa mga batang personalidad ng ABS-CBN ang nanalo ng Trinitian Special Awards. Si Joshua Garcia ang itinuring na youth character model of the year, habang si Iñigo Pascual naman ang music outbreak artist of the year. Si Hashtag Paulo Angeles ng “It’s Showtime” ang nanalo bilang Trinitian media practitioner of the year, at ang host-comedian na si Alex Gonzaga ang female YouTuber of the year.
 
Layunin ng ika-apat na Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia ang mabigyang parangal ang mga kontribusyon ng mga indibidwal at grupo sa industriya ng media sa Pilipinas. Pinagbotohan ito ng mga mag-aaral, propesor, at staff members ng eskwelahan.
 
Ang Platinum Stallion ang ika-6 na Best TV Station award na natanggap ng ABS-CBN sa iba’t ibang award-giving bodies ngayong 2018. Ang mga ito ay ang Paragala, Aral-Parangal,  GEMS, EVSU-OCC, at Batarisan awards.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE