News Releases

English | Tagalog

Mga kampeon ng BVR, lalaban sa unang FIVB Beach Volley World Tour

April 26, 2018 AT 04:35 PM

BVR Nat’l champs lead PH Bets in first FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open

Beach Volleyball Republic (BVR) national champions Team Ato Ni Bai and Team Tagum-PNP lead the Philippine contingent at the first ever FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open, dubbed as the biggest international beach volleyball event to be held in Philippine shores, which will be held on May 3 until May 6 at the SM Sands By The Bay.

Mangunguna para sa Pilipinas ang mga kampeon sa Beach Volleyball Republic (BVR) National Championship na Team Ato Ni Bai at Team Tagum-PNP sa kauna-unahang FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open, na gaganapin mula Mayo 3 hanggang Mayo 6 sa SM Sands By The Bay tampok ang mga pambato sa beach volleyball ng mahigit 20 na bansa.
 
Dadalhin dito ng Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) ang prestihiyosong kompetisyon na sinasabing pinakamalaking torneyo sa beach volleyball na isasagawa sa kasaysayan ng Pilipinas. Magsisilbing opiysal na bodkaster ng FIVB Beach Volleyball World Tour ang ABS-CBN Sports, na ipapalabas ang lahat ng mga laban ng LIVE sa ABS-CBN Sports Youtube channel, at ipapalabas ang mga laro sa huling araw sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa Mayo 17 at 18 ng 4 pm.
 
Naghari sa kakatapos lamang na BVR National Championship sina Jade Becaldo at Calvin Sarte na makakasama sa FIVB Beach Volleyball World Tour sina Kevin Juban at Raphy Abanto ng Team UV at ang pares nina Ranran Abdilla at Edwin Tolentino ng Air Force, at pati na rin sina Kris Roy Guzman at Henry Pecana ng Team Tigers.
 
Para naman sa women’s division, babandera ang mga reyna ng buhangin na sina Lourdilyn Catubag at Karen Quilario ng Team Tagum-PNP. Kasama rin nila sa laban ang mga runner-up na sina Jackie Estoquia at DM Demontaño ng Team Ilo-Ilo, Charo Soriano at Bea Tan ng Seafront Residences, at ang pares nina Dzi Gervacio at Sisi Rondina.
 
Isang press conference ang ginanap noong Abril 26 sa Coconut Club sa Bonifacio Global City na dinaluhan nina Soriano, Tan, Gervacio, Guzman, Pecana, at Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. secretary-general Ricky Palou para ianunsyo ang pagdating ng prestihiyosong torneyo sa bansa. 
 
Tumataginting na $10,000 premyo at puntos para sa kwalipikasyon sa ibang torneo ng FIVB beach volley ang paglalabanan ng tig-16 koponan sa men’s at women’s divisions. 
 
Ayon kay Bea Tan, isa sa mga nagtatag ng BVR, makakatulong ang torneyo sa kanilang layunin na palakihin pa lalo ang beach volleyball sa bansa.
 
“Pangarap ng Beach Volleyball Republic na mag-host ng ganito ka-prestihiyosong torneyo para sa beach volleyball. Pinaghandaan namin ito sa pamamagitan ng “BVR On Tour” at oras na para naman maranasan natin ang isang world-class na kompetisyon tulad nito. Kasama sa programa ng BVR ang pakikipagtulungan sa FIVB para lalo pang palakasin ang beach volleyball sa bansa,” sabi niya.
 
Huwag palampasin ang nagbabagang aksyon sa buhanginan sa FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open kasama ang BVR sa SM Sands By The Bay sa darating na Mayo 3 hanggang Mayo 6. Panoorin ang mga laban ng LIVE sa ABS-CBN Sports Youtube channel. Ipapalabas din ang mga laro sa huling araw sa S+A at S+A HD ng Mayo 17 at 18 ng 4 pm. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.  Maaari ding sundan ang @BeachVolleyballRepbulic sa Facebook at Instagram, at @bvr_ph sa Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.