Star Cinema’s “Seven Sundays” was recognized for depicting the Filipino family values of understanding, forgiving, respect, unity, and love at the recent Asia-Pacific Tambuli Awards.
Pinarangalan ang pelikulang “Seven Sundays” ng Star Cinema ng “Cinema for Good” award sa Asia-Pacific Tambuli Awards sa pagpapakita nito ng magagandang asal ng pamilyang Pilipino tulad ng pagpapatawad, respeto, pagkakaisa, at pag-ibig. Kasama sa mga tumanggap ng tropeo noong Hunyo 5 sa Shangri-La Hotel at the Fort ang mga kinatawan mula sa ABS-CBN at Rebisco: ang “Seven Sundays” screenwriter na si Kiko Abrillo, Rebisco senior vice president for Marketing na si Rey delos Reyes, ABS-CBN Film Productions, Inc. Branded Entertainment Unit (BEU) head na si Thellie Castro-Palanisamy, si Dwight Bercero ng BEU-Cinema, ang “Seven Sundays” screenwriter na si Jorell Gonzaga, at si Gines Sarangaya ng Operations-Star Cinema, kasama ang mga bida ng pelikulang sina Ronaldo Valdez at Cristine Reyes. Ang “Seven Sundays” ay kolaborasyon ng Star Cinema at ng Rebisco na may layuning magbigay inspirasyon sa mga pamilyang Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo.