News Releases

English | Tagalog

Kwentong basketball ni Xian, babalikan sa pagpunta ng "U-Town" sa UE

September 18, 2018 AT 05:51 PM

Xian Lim bares his basketball journey as “U-Town” goes to UE

This Saturday (September 23) on “University Town” (U-Town), Xian shares how his athletic career actually began more than a decade ago as a varsity player for the University of the East (UE).

Lubos ang kagalakan ng aktor na si Xian Lim dahil napagsasabay na niya ngayon ang kanyang karera sa showbiz at ang paglalaro ng basketball bilang manlalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League.
 
Lingid sa kaalaman ng karamihan, basketball talaga ang pinunta ni Xian dito sa Pilipinas at hindi pag-aartista mahigit isang dekada na ang nakaraan. Ngayong Sabado (Setyembre 23) sa “University Town” (U-Town) sa ABS-CBN S+A, iku-kwento niya kung paano siya nagsimula bilang varsity player sa kanyang dating paaralan na University of the East (UE).
 
Sa pinakabagong episode ng programa nina Gretchen Ho, Robi Domingo, at Alyssa Valdez, ilalahad rin ni Xian ang nadarama ngayong unti-unti na niyang natutupad ang pangarap na maging basketball player.
 
Tampok din sa Sabado ang isa pang sikat na manlalaro mula sa UE na si Allan Caidic na kung tawagin ay “Triggerman” sa galing niyang umasinta mula sa three point line. Makakapanayam din nina Gretchen at Robi ang organisasyong Bullyfree Life Advocates sa UE na layuning palaganapin ang kapayapaan at kabutihan sa kanilang kapwa estudyante. Aalamin din ng dating magkasintahan kung saan ang mga sikat na tambayan at gawain ng mga mag-aaral ng UE.
 
Samantala, mapapasabak naman sa tennis ang volleyball star na si Alyssa sa pagdalo niya sa traning ng UE tennis team, na siyang kampeon sa UAAP sa nakaraang dalawang season.
 
Samahan ang pagbisita nin Gretchen Ho, Robi Domingo, at Alyssa Valdez sa UE at silipin ang kultura ng Red Warriors sa “U-Town” ngayong Sabado (Setyembre 23) ng 1 pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD. Manood online sa iwantv.com.ph.
 
Para sa iba pang sports news, bisitahin ang sports.abs-cbn.com o sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.