News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, COMELEC, at iba pang institusyon, ibibida ang boses ng Pilipino sa "Halalan 2019"

January 22, 2019 AT 01:49 PM

ABS-CBN News, COMELEC, and partners vow to give Filipinos a louder voice in "Halalan 2019"

ABS-CBN News unites with the Commission on Elections (COMELEC), Manila Bulletin, poll watchdogs, academic institutions, professional associations, advocacy groups, government agencies, YouTube, and Twitter to give Filipinos a louder voice in the coming midterm national elections through its “Halalan 2019” comprehensive special election coverage on radio, television, and digital. Pictured are: (First row from left): PULSE ASIA Research Director Dr. Ana Tabunda, UST assistant to the director for Publications Virginia Sembrano, MAP president Rizalina Mantaring, Philippine Communication Society secretary Kriztine Viray, VERA FILES president Ellen Tordesillas, Manila Bulletin EIC and publisher Dr. Cris Icban, Jr.; (2nd row from left): Anvil Business Club president Wilson Lee Flores, PUP president Emanuel De Guzman, DLSU President Bro. Armin Luistro, FSC, ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes, COMELEC commissioner Socorro Inting, ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes, PPCRV chairman Myla Villanueva, YOUTH VOTE founding convenor Natalie Christine Jorge, REACT president Joey Valencia, PNP chief superintendent General Chris Tambungan; (3rd row from left): Philippine Computer Society president Edison Diaz, The Asia Foundation Fully Abled Nation country representative Sam Chittick, FINEX president Atty. Eusebio Tan, STI CEO Atty. Monico Jacob, UP Executive Vice President Dr. Teodoro Herbosa, ADMU Vice President for social development Atty. Jaime Hofilena, DepEd undersecretary and deputy minister Alain Del Pascua, DFA OVS vice chairman Edgardo Castro, AFP Executive officer Col. Noel Vestuir, Kontra Daya convenor Danilo Arao, NAMFREL chairman Gus Lagman.

Manila Bulletin, YouTube at Twitter, kasama ng ABS-CBN sa paghahatid ng balita

 
Nagkaisa ang ABS-CBN News, Commission on Elections (COMELEC), at Manila Bulletin, kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno, mga paaralan, mga grupo at institusyon, YouTube, at Twitter na lalo pang palakasin ang boses ng mga Pilipino sa nalalapit na pambansang eleksyon sa pamamagitan ng “Halalan 2019” special election coverage sa radyo, TV, at digital.
 
Nagsagawa ng covenant signing ang mahigit 20 na grupo sa ABS-CBN noong Biyernes (Enero 18) upang pagtibayan ang kanilang pagtutulungan.
 
Ayon kay ABS-CBN News and Current Affairs head na si Reyes, malaking bagay ang makasama ang mga organisasyon mula sa iba-ibang sektor para maisagawa nila ang isang komprehensibong pagpapabalita ngayong halalan, kung saan ang bawat Pilipino ay maaaring makilahok sa mga diskusyon ngayong eleksyon.
 
“Ang pulitika at debate ay maaaring maging mabuting bahagi ng isang lipunan kung kaya’t dapat lang na ating bantayan at protektahan ang bayan laban sa mga nilalang na balak guluhin o mandaya sa halalan, at maging matatag tayo sa pagsagupa sa anumang klase ng karahasan sa politika,” sabi niya.
 
Sa isang mensahe na binasa ni COMELEC commissioner Socorro Inting, nagpasalamat din si COMELEC chairman Sheriff Abas sa ABS-CBN at binigyang diin ang kahalagahan ng media sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at balita upang makagawa ng edukadong desisyon ang mga botante.
 
Dagdag ni Inting, sinisimbolo ng lagda niya ang paninindigan ng COMELEC sa pagkakaroon ng malinis at mapayapang halalan at ang pagsuporta ng komisyon sa mga proyektong makakatulong sa mga botante makapagpasya ng tama ngayong eleksyon.
 
Maliban sa COMELEC, YouTube, at Twitter, katuwang rin ng ABS-CBN News sa “Halalan 2019” ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Foreign Affairs Overseas, Voting Secretariat, at Department of Education.
 
Gayundin ang Manila Bulletin, VERA Files, National Citizens' Movement for Free Elections, YouthVote Philippines, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, Kontra Daya, University of the Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, Polytechnic University of the Philippines, at STI Colleges.
 
Kumukumpleto sa listahan ang The Asia Foundation - Fully Abled Nation, Regional Emergency Assistance Communications Team Philippines, Anvil Business Club, Management Association of the Philippines (MAP), Finance Executives of the Philippines (FINEX), LENTE (Legal Network for Truthful Elections), Philippine Communication Society, at Philippine Computer Society.
 
Sa pakikipagtulungan ng YouTube at Twitter, maaasahan ng Pilipino ang mas mabilis at masusing paghahatid ng balita gamit ang social media ng ABS-CBN News.
 
Sa kasulukuyan, ang ABS-CBN News ang may pinakamalawak na presensya sa social media sa mga news organization sa Pilipinas. Higit limang milyon ang subscriber nito sa Youtube, anim na milyon ang followers nito sa Twitter, 1 milyon ang followers sa Instagram, at halos 16 milyon ang followers nito sa Facebook.
 
Simula 2018, sinimulan na ng ABS-CBN News ang paglalabas ng mga report at special tungkol sa eleksyon. Kabilang dito ang “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630, at ang parating na “HARAPAN 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate,” kung saan maghaharapan ang mga kandidato sa eleksyon upang pagusapan ang mga isyu ng bansa at ang mga plataporma nila.
 
Patuloy ring naghahatid ng mga workshop tungkol sa citizen journalism ang “Bayan Mo iPatrol Mo” ng ABS-CBN sa mga paaralan at komunidad, at sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng AFP at PNP upang matulungan ang mga miyembro nito na ibalita ang mga isyu at pangyayari sa komunidad nila, lalo na tuwing eleksyon.
 
Makisali sa adbokasiya ng ABS-CBN para sa isang malinis, tapat, mapayapa, at kapani-paniwalang eleksyon sa “Halalan 2019” ng ABS-CBN News. Makibalita sa “TV Patrol,” “Bandila,” at “Umagang Kay Ganda,” ABS-CBN News Channel (ANC), DZMM TeleRadyo, DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, news.abs-cbn.compatrol.ph, ABS-CBN Regional, The Filipino Channel (TFC), at iWant.ph.