News Releases

English | Tagalog

"World of Dance Philippines," No. 1 show pag weekends

January 31, 2019 AT 11:18 AM

“World of Dance Philippines” is the top weekend show in the country

“World of Dance Philippines,” the Philippine edition of the biggest dance competition in the world has continuously been the most watch weekend program in the country since it started airing three weeks ago according to data from Kantar Media. It’s highest national TV rating so far, a score of 32.3%, was achieved on January 13 (Sunday). It’s hashtags also regularly trend and have even reached the top of the worldwide trending list of Twitter.

Marami pang dapat abangan
 
Tatlong linggo pa lang ume-ere ang isina-Pinas na pinaka-malaking dance competition sa mundo at tatlong linggo na rin itong namamayagpag sa national TV ratings ayon sa datos ng Kantar Media. Pumalo ito sa 32.3%, ang pinakamataas nitong rating sa ngayon, noong Enero 13. Nagte-trend din ang mga hashtag nito at nakaabot pa sa worldwide trending lists ng Twitter.
 
Dalawampung dance acts mula sa iba’t-ibang bahagi, hindi lang ng bansa, kundi ng buong mundo ang nag-qualify. Iba’t-ibang klaseng sayaw na rin ang naipamalas ng mga lumalahok sa show, at iba’t-ibang kwento na rin ang naibahagi rito.
 
Isa na sa mga ito si Jay, isang hiphop dancer na minsan nang nakatikim ng kasikatan dahil sa grupong XB GenSan at nakasama na sa “It’s Showtime” stage ang huradong si Billy Crawford. Komento ni Billy na naiyak sa kanyang performance, “Pumunta ka rito para patunayan hindi lang sa amin, patunayan lang sa sarili mo, na kaya mo pa. Niri-respeto kita.”
 
Naging inspirasyon naman ni Tintin ng ballroom duo na Cejrich and Tintin ang judge na si Maja Salvador kaya nagsimula silang magsayaw. “Perfect combination” ang dalawa para sa dance royalty.
 
Isa pa sa mga nakapasok na grupo ang B2WIN, isang urban dance group na nabuo mula sa mga nag-audition sa Star Hunt. Nagustuhan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang malilinis at pulidong galaw ng grupo kahit na sadya itong hindi sabay-sabay. Aniya, “Gusto ko yung pangalan ninyo. Kasi yung salitang win, bagay na bagay na bagay sa inyo. At kung B2WIN, as in stars, you did shine like stars.”
 
Hindi rin nagpapahuli sa kulitan ang mga hosts na sina Luis Manzano at Pia Wurtzbach kasama ang mga contestant. Naki-rampa challenge ang Miss Universe 2015 sa urban dance group na Go Figure. Samantala, si Luis naman ay sinubukang sabayan ang ethnic streetdance ng Move to the Groove.
 
Marami pang mga dance acts, kulitan, at heart-warming moments na dapat abangan sa “World of Dance Philippines.” Panoorin ito tuwing Sabado at Linggo, 7:30 PM, sa ABS-CBN. Maaari rin itong panoorin sa iWant. Available din ito worldwide sa “World of Dance Online” na mapapanood sa Facebook at YouTube. Kasama rito sina Maymay Entrata, Riva Quenery, AC Bonifacio, at Teacher Georcelle ng G-Force.
 
I-follow ang @WorldOfDancePH sa Facebook, at @WODABSCBN sa Twitter at Instagram. Panoorin ang mga videos nito sa World of Dance Philippines YouTube channel.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abscbnpr.com.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE