The documentary, which coincides with the 102nd anniversary of the Blessed Virgin’s last apparition, will air on DZMM Radyo Patrol 630 on AM radio, DZMM TeleRadyo on cable and ABS-CBN TVplus, and online via iWant.
Mga deboto, ibinahagi ang mga milagro ng “Our Lady of Fatima”
Samahan si Bro. Jun Banaag, OP sa kanyang paglalakbay sa Fatima, Portugal ngayong Linggo (Oktubre 13) sa DZMM, upang bisitahin ang pinangyarihan ng mga aparisyon ng Banal na Ina ni Hesus, na bumago sa buhay ng maraming Katoliko sa mundo, kabilang ang mga Pilipino.
Sa dokumentaryong “Himala sa Fatima,” ibabahagi ni Bro. Jun ang kwento ng buhay ni Maria at ang mga mensahe sa likod ng kanyang pagpapakita sa tatlong batang pastol noong 1917, kung saan binigyang importansya niya ang pagsisisi at penitensya, ang pagdarasal ng rosaryo, at ang paniniwala sa himala.
Makakausap din ni Bro. Jun ang dalawang Pilipinong deboto ng “Our Lady of Fatima,” na parehong naisalba ng kanilang pananampalataya. Isa sa kanila ay sabay namatayan ng asawa at mga kapatid, habang ang isa naman ay nagkaroon ng sakit na cancer.
Mapapanood ang dokumentaryo sa DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio, DZMM TeleRadyo sa cable at ABS-CBN TVplus, at online sa iWant sa Linggo (Oktubre 13) ng 9 pm, sa araw ng ika-102 anibersaryo ng huling aparisyon ng Birheng Maria. Muli itong mapapanood sa Oktubre 15, 16, at 17, ng 11 pm sa timeslot ng “Dr. Love Radio Show” at sa Oktubre 21, mula 1:30 pm hanggang 3 pm.
Para sa balita, sundan ang @DZMMTeleradyo sa Facebook at Twitter o bumisita sa www.dzmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.