News Releases

English | Tagalog

“OMJ” at “TKPM,” masarap kasama tuwing Sabado at Linggo

October 23, 2019 AT 04:49 PM

“OMJ” and “TKPM,” perfect weekend buddies for Filipinos

Fill your weekends with joy and inspiration. Catch “OMJ” with Ogie Diaz and MJ Felipe every Saturday, 9 pm and “Tulong Ko, Pasa Mo” with Vic and Avelyn Garcia evert Sunday, 11 am on DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, and iWant.

Tulong at balitang showbiz, hatid sa mga Pilipino

Para sa mga Filipino, ang pagtutok sa radyo o telebisyon ay hindi lamang para sa malalaking balita sa bansa. Ito rin ang pinagkukunan nila ng kaaaliwan at inspirasyon sa buhay, lalo na pagkatapos ng isang nakakapagod na linggo.
 
Dalawang tambalang masarap kasama tuwing Sabado at Linggo sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo sina Ogie Diaz at MJ Felipe ng programang “OMJ,” at Vic at Avelyn Garcia ng “Tulong Ko, Pasa Mo” (TKPM).
 
Maiinit na balitang showbiz ang hatid ng artista, talent manager, at kolumnistang si Ogie at partner niyang showbiz reporter na si MJ, na kung saan-saan na rin naipadala ng ABS-CBN News upang makapanayam ang pinakamalalaking bituin sa mundo. Anila, kahit madali na lang makibalita sa mga artista sa social media, iba pa rin ang kalidad ng impormasyon at diskusyong hatid ng kanilang programa.
 
“Ang mga news platform at commentary show like OMJ ang nagbibigay ng maayos, kumpleto, at komprehensibong konteksto sa mga istorya. Iba ang disiplina namin sa paghimay at pag-verify sa mga balita, na kailangang-kailangan dahil sa paglaganap ng fake news at trolls,” pahayag ni MJ.
 
Kung mabusisi si MJ sa mga detalye, ang mentor niyang si Ogie naman ang eksperto sa mga hirit na bentang-benta sa kanilang mga tagasubaybay. Ani Ogie, “’Pag credible ang nagbabalita at may-ari ng opinyon, pinakikinggan. Ang uso ngayon, matalinong opinyon na may wit at humor.”
 
Katulad nina MJ at Ogie, lubos ding pinagkakatiwalaan ang tambalan ng mag-asawang Vic at Avelyn Garcia sa “TKPM,” kung saan nagbibigay sila ng payo sa paghawak ng pera, trabaho, career, relasyon, pagpapalaki ng anak, at marami pang iba. Nagsisilbi rin silang daan upang maihatid ang tulong sa nangangailangan.
 
Bagamat isang taon pa lang ang programa nila sa DZMM, matagal na silang tumutulong at gumagabay sa maraming Pilipino na magkaroon ng buhay na matagumpay, masaya at makabuluhan. Nagsimula ito nang makatanggap sila ng tulong noong 2005, pero imbes na magpabayad, sinabihan silang ipasa ang tulong na kanilang natanggap.
 
Paliwanag ni Vic, “kapag ikaw ay natulungan, hindi dapat huminto ang tulong kundi ipasa sa iba ang tulong na natanggap para ang chain ng pagtutulungan ay magpatuloy.”
 
Dagdag pa ni Avelyn, “Naniniwala kami na kung ang bawat Filipino ay magtutulungan, gaganda ang buhay ng bawat Filipino. At isang araw, Pilipinas ang magiging isa sa pinakamayaman sa buong mundo.”
 
Punuin ng saya at inspirasyon ang inyong araw-pahinga. Tutukan ang “OMJ” kasama sina Ogie Diaz at MJ Felipe tuwing Sabado ng 9 pm at ang “Tulong Ko, Pasa Mo” nina Vic at Avelyn Garcia tuwing Linggo ng 11 am sa DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, at iWant. Para sa balita, sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter o pumunta sa dzmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at bisitahin ang www.abscbnpr.com.