Don’t miss Noli de Castro’s much-awaited “Kababalaghan” special on ABS-CBN this Sunday (November 3) at 9 pm or stream it live on iWant.
Hindi kumpleto ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng Halloween kapag hindi nila nasusubaybayan ang mga nakakikilabot na kwento ni ABS-CBN veteran broadcaster Noli de Castro sa “Kababalaghan” TV special tuwing Undas. Ngayong taon, apat na kwentong magpapatayo ng balahibo ng viewers ang itatampok ni “Kabayan” sa Linggo (Nobyembre 3), 9 pm sa ABS-CBN at iWant.
Magsisimula ang takutan sa kwento tungkol sa isang salaming pagmamay-ari ng pamilya Abrino. Ang pamanang pinaniniwalaan nilang may dalang swerte ay pinagkukublihan pala ng iba’t ibang nilalang.
Tampok naman sa pangalawang kwento ang dalawang kilalang manggagamot sa Siquijor na na binweltahan ng sumpa at kulam na ginamot nila sa kanilang mga pasyente.
Umiikot naman ang pangatlong kwento sa isang inabandonang bahay sa Dasmariñas, Cavite, kung saan daw multo ng isang lola at white lady ang ilan lamang sa mga nilalang nakikita ng mga residente tuwing gabi.
Kumukumpleto naman sa mga kwento ang Kampo Bello, isang abandonadong clubhouse sa Pililia, Rizal na pinaliligiran daw ng mga kapre, tikbalang, at multo. Nagdala ang “Kababalaghan” team ng mga paranormal expert para imbestigahan ito.
Huwag palampasin ang inaabangang “Kababalaghan” special ni Noli de Castro ngayong Linggo (Nobyembre 3), 9 pm sa ABS-CBN o i-livestream ito sa iWant. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang ABS-CBN News sa Twitter at Facebook. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.