News Releases

English | Tagalog

SKY at Asian Eye Institute nagsanib pwersa para mabigyan ng malinaw na paningin ang mga kabataan sa Luzon

November 19, 2019 AT 12:04 PM

SKY partners with Asian Eye Institute to give eye care to students in Luzon

Hundreds of students from Luzon have received free eye care to help them with their productivity and well-being as SKY partnered with the Asian Eye Institute to bring the “Kislap Mata: Malinaw na Mata, Malinaw na Kinabukasan” project.

Daan-daang mga mag-aaral sa Luzon ang nakatanggap ng libreng konsultasyon sa mata sa pagtutulungan ng SKY at ng Asian Eye Institute sa pamamagitan ng “Kislap Mata: Malinaw na Mata, Malinaw na Kinabukasan” project na may layuning mapabuti ang pag-aaral ng mga katbataan.

Kasali ang mga mag-aaral ng San Isidro Elementary School, San Jose del Monte, Bulacan, Sto. Tomas North Central School, at sa Lagundi Elementary School, Morong, Rizal, sa eye care program na nagbigay ng libreng konsultasyon, workshop sa tamang pangangalaga ng mata, at mga prescription glasses.

Nahihirapan magbasa at mag-aral sina Zacquia Chua at Cassandra Baral ng Lagundi Elementary School dahil sa malabong paningin. Ngunit dahil sa tulong ng “Kislap Mata” nabiyayaan sila ng bagong mga prescription glass at na-checkup ang grado ng mga mata.

“Mas makakapag-aral na po akong mabuti kasi makakakita na po akong mas maigi, salamat po sa SKY at Asian Eye” ani pa ni Cassandra.     

Sa iba’t-ibang sangay ng proyekto, 575 mag-aaral ang dumalo sa mga eye talk, 338 ang na-checkup, 108 naman ang nabigyan ng  bagong mga salamin, samantalang 23 ang nai-refer sa mga klinika para sa karagdagang checkup sa sangay ng Asian Eye Institute na EyeSite, isang ambulatory eye center sa Qualimed Surgery Center sa Ayala Fairview Terraces at St. Frances Cabrini Medical Center sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinabitan naman ng SKYcable at SKYdirect connections anag mga nasabing paaralan para lalo pang mapagigting ang suporta sa paglinang ng kaalaman ng bawat mag-aaral.

 

“Lubos po naming ikinagagalak at malaking karangalan at biyaya na mapili ang aming mga mag-aaral bilang isa sa mga recipients ng ‘Kislap Mata’ program ng SKYcable. Napakahalaga po ng paningin para sa mga mag-aaral. Kung hindi sila makakakita ng mabuti, hindi nila maiintindihan ng maigi ang mga leksyon na kakailanganin nila para matuto. Maraming salamat po sa SKYcable at Asian Eye dahil kami ang napili sa Morong,” labis na pasasalamat ni Lagundi Elementary School principal Claire Rino.

Ibinahagi naman ng SKY Head of Integrated Marketing Gidgette Faustino, “Kami sa SKY ay labis na nagagalak sa oportunidad na ito dahil misyon naming, sa pamamagitan ng ‘Kislap Mata’ project, ang makatulong sa maraming mag-aaral na matamo ang kanilang buong kapasidad na matuto at maging mas maaliwalas ang pamumuhay sa pamamagitan ng malinaw na mga mata. Nais namin na mapalawak pa ang edukasyon sa bansa sa aming patuloy na adbokasiyang makatulong sa paglinang ng kaisipan ng batang Pilipino.”

Ang Asian Eye Institute ay isang world-class eye institute na naglagay sa Pilipinas sa mapa, bilang isa sa mga premyadong institusyon na nagsusulong sa pangangalaga ng kalusugan. Simula nang magbukas noon 2001, nakapagbigay na ito ng mas malawak ng serbisyong medikal, na may ligtas, komportable at modernong pasilidad gamit ang ilan sa pinaka-advance na teknolohiya sa buong mundo.

Para sa karagdagang impormasyon sa SKY, tumawag lamang sa local SKY office o i-visit ang mysky.com.ph. Para sa mga updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o i-visit ang www.abs-cbn.com/newsroom.