Ginawang inspirasyon ng singer-actress na si Kakai Bautista ang karanasan niya sa pag-ibig para maisulat ang una niyang libro na "La Na Bye," isang koleksyon ng mga tula at komposisyon na inilathala ng ABS-CBN Books.
Opisyal nang inilunsad ang libro sa Kapamilya Books Blowout noong Sabado (Nob. 23) sa Ayala Malls Manila Bay, na may napapanahong tema sa nauusong paraan ng pagpapahayag ng pagkasawi sa pag-ibig, sa pamamagitan ng mga matalino pero masakit na pahayag na mas kilala ngayon sa tawag na "hugot."
Siguradong marami ang makaka-relate sa mga madamdamin at makulit na banat ng Dental Diva gamit ang mahahabang niyang tula at “hugot.” Nahahati sa tatlong bahagi ang "La Na Bye," una ay ang mga tula para sa mga mahilig umasa sa pag-ibig, pangalawa ay ang mga eksplanasyon niya kung bakit minamahal pa rin ang mga manloloko, at ang huling parte ay para sa mga lalaking hindi siya minahal.
Tinatalakay din sa libro ang ilang usapin na sa kasamaang palad ay naranasan na ng karamihan, gaya ng "ghosting," hiwalayan at unrequited love.
Bahagi na si Kakai ng iba't ibang manunulat sa ilalim ng ABS-CBN Books, ang publishing arm ng nangungunang media at entertainment company sa bansa na ABS-CBN, na patuloy na nagdadala ng karanasang pang-Kapamilya sa pamamagitan ng mga babasahing fiction, nonfiction, movie-based, self-help at motivational.
Tawanan ang pagkabigo sa pag-ibig sa tulong ng libro ni Kakai na "La Na Bye," na mabibili online at sa mga nangungunang bookstore at newsstand sa halagang P225. Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.