ABS-CBN received another recognition from the academe after being named the Advertisers’ Friendly Network in the 2019 ComGuild Academe’s Choice Awards last November 24.
Mga artista at programang Kapamilya, nagtala ng 12 na panalo…
Muling tumanggap ng pagkilala ang ABS-CBN mula sa akademya pagkatapos tanghaling Advertisers’ Friendly Network sa ginanap na 2019 ComGuild Academe’s Choice Awards noong Nobyembre 24.
Bukod sa malaking panalong ito, pinarangalan din ng ComGuild ang mga Kapamilya artist at programa. Nanguna rito si “It’s Showtime” host Vice Ganda bilang Male Advertisers’ Friendly Host, habang tinaggap naman ni Kapamilya heartthrob James Reid ang Male Iconic Endorser of the Year.
Ang “Kadenang Ginto” star na si Andrea Brillantes naman ang Female Most Loved Teen Endorser of the Year at ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang nag-uwi ng Best Female Comedian/Comedienne of the Year. Hindi naman nagpahuli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Advertisers’ Most Admired Loveteam at ang “Magandang Buhay” hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros na Advertisers’ Friendly Morning Show Hosts.
Sa news at current affairs naman, “Umagang Kay Ganda” ang nanalo bilang Advertisers’ Friendly Morning Show, “Swak na Swak” ang kinilalang Best Entrepreneurial Business Show, habang ang mga host nitong sina Bobby Yan, Dimples Romana, at kanilang mga kasama ang nag-uwi ng Best Entrepreneurial Business Show Hosts award.
Samantala, sa larangan ng musika, nagwagi ang “Tagpuan” ni Moira Dela Torre (ComGuild Music Video of the Year) sa direksyon ni John Prats, pati na ang mga Kapamilya performer na sina Darren Espanto (Male Artist of the Year) at Morissette Amon (Female Artist of the Year).
Ang ComGuild Academe’s Choice Awards, na idinaos sa Marian Auditorium ng Miriam College, ay taunang pagkilala sa mga natatanging personalidad sa media para sa kanilang mga ambag sa bayan. Pinagbobotohan ito ng mga guro, dekano, at lider mula sa iba-ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa
abscbnpr.com