News Releases

English | Tagalog

"Kadenang Ginto," patuloy ang pagkinang sa pag-ere nito sa Myanmar

December 06, 2019 AT 04:35 PM

"Kadenang Ginto" shines as latest Kapamilya teleserye to air in Myanmar

“Kadenang Ginto,” the country’s most-watched and talked about teleserye, has become the latest ABS-CBN teleserye to make waves via the Sky Net Channel in Myanmar, entrancing viewers with its explosive twists, feisty confrontations, and gripping story.

Patuloy na pagbuhos ng tagumpay para sa “Kadenang Ginto” dahil tinatangkilik na rin ito ng viewers sa Myanmar bilang pinakabagong Kapamilya teslerye na umeere sa sikat na Sky Net Channel.
 
Natutunghayan ang “Kadenang Ginto” mula Lunes hanggang Huwebes tuwing alas 7 ng gabi at simula na nitong ipakilala ang magandang kwento na pinabibidahan nina Andrea Brillantes, Beauty Gonzalez, Dimples Romana, at Francine Diaz, pati na ang love teams ng SethDrea (Andrea Brillantes at Seth Fedelin) at KyCine (Kyle Echarri and Francine Diaz).
 
Sumusunod ang “Kadenang Ginto” sa yapak ng iba pang teleserye ng ABS-CBN na tinatangkilik ngayong 2019 sa ibang bansa tulad ng “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Africa, “Forevermore” sa Thailand, “Asintado” sa Kazakhstan, “Wildflower” sa French islands sa Pacific at Indian oceans, at ang upcoming co-production ng ABS-CBN at Limon Yapim ng “Hanggang Saan” sa Turkey.
 
Ang Sky Net channel, na siya ring nagdala ng “Ngayon at Kailanman” sa Myanmar, ang nagpaplabas ng “The General’s Daughter” sa naturang bansa mula Biyernes hanggang Sabado, 9PM.
 
Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.