Noontime viewers continue to get their daily dose of good vibes from ABS-CBN’s “It’s Showtime” as it launched its newest segment “KapareWho."
Patuloy ang pagsubaybay ng mga manonood sa buong bansa sa “It’s Showtime” tuwing tanghali matapos nitong makakuha ng national TV rating na 19.5% noong Lunes (Pebrero 25) kasabay ng paglulunsad ng bago nitong segment na “KapareWho.”
Ang “KapareWho” ay isang compatibility game, kung saan tampok araw-araw ang dalawang “Who-mahanap” o mga dalaga o biyudang edad 40 taon at pataas na kinikilatis ang mga “Kala-who-k,” tatlong lalaking nakamaskara. Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang “Who-mahanap” ng napupusuang maging kasama o kaibigan.
Kinagiliwan ng mga manonood ang paglulunsad ng “KapareWho” sa “It’s Showtime,” na tinalo ang kalabang programang “Eat Bulaga” na nagkamit lang ng 11.9%, pati na ang “Asawa Ko, Karibal Ko” (14.3%).
Mas makikilala rin ng mga manonood ang mga “Kala-who-k” sa segment dahil ang hindi mapipili ng dalawang “Who-mahanap” bawat araw ay mapapanood ulit kinabukasan.
Samantala, inabangan din ng buong bansa ang pagkorona sa “Miss Q and A InterTALAKtick 2019” na si Mitch Montecarlo Suansane noong Sabado (Pebrero 23) dahil nakakuha ito ng national TV rating na 27.4%, o halos 17 puntos na lamang sa 10.6% ng “Eat Bulaga” at halos 14 puntos na lamang naman sa 13.8% ng “Asawa Ko, Karibal Ko.”
Tuloy-tuloy pa rin ang countdown ng nangungunang noontime show sa bansa sa pagdiriwang ng ikasampung taon nito ngayong 2019. Panoorin araw-araw ang “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant (
iwant.ph) o sa
skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.