Sofia Andres learns that true love does not ask for anything in return in this Saturday’s (February 9) episode of Ipaglaban Mo.
Papanagutin ang paasang nobyo
Ang dalisay na pag-ibig ay hindi humihingi ng kapalit. Ito ang matututunan ni Sofia Andres ngayong Sabado (Pebrero 9) sa “Ipaglaban Mo” matapos mapako ang pangakong pagpapakasal sa kanya ng nobyo na may masamang balak sa kanyang puri.
Konserbatibo ang 17 gulang na si Jessica (Sofia) pagdating sa pagmamahal pero susubukan niya ang isang
dating app para makahanap ng tunay na pag-ibig. Dito niya makikilala si Enzo (Kit Thompson), ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso at mangangakong pakakasalan siya.
Subalit makakalimutan ni Enzo ang binitawang pangako nang makuha ang gustong kapalit – ang pakikipag-siping ni Jessica sa kanya.
May magagawa ba si Jessica para mapanagot si Enzo sa napakong pangako?
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
Huwag palampasin ang “Paasa,” sa direksyon ni Chiqui Lacsamana, ngayong Sabado (Pebrero 9), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com.