“Take It Easy” reminds listeners—especially women—to remain true to their selves, and to never let comparison get in the way of growth.
Isang kanta tungkol sa pagmamahal sa sarili…
Ngayong buwan ng kababaihan, nagbabalik ang multi-talented star na si Janella Salvador sa recording, handog ang empowering single na may titulong “Take It Easy” mula sa Star Music.
Tampok ang chill vibes at pop beats, ipinapaalaala ng “Take It Easy” sa mga makikinig—lalo na sa mga kababaihan—na manatiling totoo sa sarili, at huwag hahayaan ang pagkumpara sa ibang tao.
“Na-in love ako agad sa kanta. Hindi siya yung typical love song. Mahal ko yung mga love songs, pero para maiba naman, gusto ko maging inspirational yung unang single ko. Pero modern parin, tipong pakikinggan mo pa rin. Masaya ako na maganda yung mensahe ng kanta,” kwento ni Janella.
Ang awiting gawa ng composer na si Anton Juarez ang magmamarka sa pinakahihintay na pagbabalik ni Janella sa music scene at inaasahan pa ang karagdagan dito ngayong 2019.
Unang sumabak sa mundo ng musika ang singer/actress bilang Himig Handog 2014 interpreter para sa kantang “Mahal Kita Pero” na isinulat ni Bobbie Mabilog at nanalo bilang 3
rd Best Song. Ang kanyang mga bersyon ng “Kapag Tumibok ang Puso” at “I Can” ay naging patok sa publiko; umabot na rin ng Platinum record award ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Star Music.
Matapos maging isa na namang Himig Handog interpreter para sa kantang “Wow Na Feelings” ni Karlo Zabala na nanalong 4
th Best Song noong 2017, sunod sunod na ang international gigs ni Janella. Napili siya upang kantahin ang Philippine version ng 10
th Year Anniversary ng Hong Kong Disneyland na “Happily Ever After” at ang theme song ng Disney’s “Moana” na “How Far I’ll Go.”
Unang nilabas ang “Take It Easy” sa iTunes at Apple Music, na umabot na sa Apple Flowcase sa iba’t ibang bansa ng Southeast Asia tulad ng Singapore, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Thailand at Pilipinas noong nakaraang Marso 15.
Pakinggan ang comeback singe ni Janella na "Take It Easy" sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital stores simula March 22, at panoorin ang music video nito sa MYX Philippines at YouTube channel ng Star Music sa Marso 29. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com.