In celebration of Cinema One’s 25th year…
Magaganap na ang pinakamalaking movie event ngayong tag-init—ang OpenAir Cinema One—sa darating na Abril 27 (Sabado) sa Evoliving Grounds, Nuvali, tampok ang dalawang mega blockbusters na “Exes Baggage” at “The Hows Of Us.”
Ang music at movie treat na ito ay higit pang pinasaya dahil sa pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng Cinema One at sa pagkikipag-ugnayan sa Nuvali Night Sky Cinema. Makakasama dito ang “The Hows Of Us” actress na si Ria Atayde, ang rock band na Silent Sanctuary at iba pang guests para sa matinding tugtugan. Nariyan din si DJ Chacha ng MOR bilang host para sa tuloy-tuloy na katatawanan.
Tampok sa OpenAir Cinema One ang highest grossing Filipino film of all time na “The Hows Of Us” mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina sa ilalim ng Star Cinema. Gumanap ang Phenomenal Stars of Philippine Cinema na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang George at Primo na kailangang ayusin ang kanilang relasyon.
Dodoblehin naman ng “Exes Baggage” ang saya tampok ang pelikula ni Dan Villegas mula sa Black Sheep Productions. Ito ang inabangang reunion project nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino kung saan gumanap sila bilang sina Pia at Nix na magkikita muli dalawang taon mula nang maghiwalay sila.
Bukod sa mga pelikula at musikang handog ng OpenAir Cinema One, ka-abang-abang rin ang booth activities, games, at giveaways para sa mga manonood.
Makisama sa inaabangang pagdiriwang ng OpenAir Cinema One sa Nuvali sa darating na Abril 27 (Sabado). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com.