ABS-CBN continues to earn consumers’ trust, winning its fourth consecutive Platinum Brand Award from the prestigious Reader’s Digest annual “Trusted Brands Awards.”
Noli, Ted, at Vice, pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino
Buo ang tiwala ng karamihan ng Pilipino sa ABS-CBN, ayon sa prestihiyosong Reader’s Digest “Trusted Brands Awards” kung saan ginawaran ang Kapamilya network ng Platinum Brand Award kamakailan lang.
Libo-libong Pilipino ang nakilahok sa survey na sinusukat ang tiwala, kredibilidad, kalidad, halaga, inobasyon, at serbisyo sa mamimili at sa lipunan ng iba’t iba’t kumpanya. Ikaapat na sunod na taon nang tumanggap ang ABS-CBN ng Platinum Brand Award, na iginagawad sa mga kompanyang malawak ang agwat ng boto sa pinakamalapit na ka-kumpitensya.
Samantala, nagwagi rin ang ilang mga personalidad ng Kapamilya network sa ibang kategorya. Pinarangalan si “Kabayan” Noli De Castro bilang Most Trusted TV News and Current Affairs Presenter, habang si Ted Failon naman ang panalo bilang Most Trusted Radio Presenter. Umani naman ng tropeong Most Trusted Entertainment/Variety Presenter ang “It’s Showtime” at “Gandang Gabi Vice” host na si Vice Ganda.
Siyam na taon nang pinararangalan ng Reader’s Digest Trusted Brand Awards ang ABS-CBN para sa serbisyong hatid nito sa mga Pilipino sa pamamagitan ng dekalidad na palabas, inobasyon, at serbisyong pampubliko, na kinikilala ng mga Pilipino. Nagsimula ang Reader’s Digest Trusted Brands Awards noong 1998 at patuloy na inaalam ang pamantayan ng karamihan sa pagpili ng serbisyo sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga tao tungkol sa mga tatak na pinagkakatiwalaan nila.
Para sa 2019 na awards, higit 8,000 na indibidwal sa Asia Pacific ang sumali sa pagsusuri, kasama ang mga bansang Pilipinas, Singapore, Malaysia, Hong Kong, at Taiwan. Limampung kategorya ng produkto at serbisyo sa iba’t ibang industriya, kasama na rin ang mga pinakapinagkakatiwalaang personalidad sa Pilipinas ang sinuri ngayong taon.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.