News Releases

English | Tagalog

Mag-asawang OFW na nagkahiwalay sa giyera, tampok sa dokyung “Alpas” ng ABS-CBN

April 03, 2019 AT 01:31 PM

OFW couple separated in war tells their story on ABS-CBN documentary “Alpas”

After celebrating the heroism of Filipino volunteer firefighters, “ABS-CBN DocuCentral Presents” turns the spotlight to the struggles and triumphs of overseas Filipino workers (OFW) this Saturday (April 6) at 5:15 pm, after “SOCO” on ABS-CBN.

Pagkatapos ipakita ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong bombero, ilalahad naman ng “ABS-CBN DocuCentral Presents” ang hirap at tagumpay ng overseas Filipino workers (OFW) ngayong Sabado (Abril 6) ng 5:15 pm, pagkatapos ng “SOCO” sa ABS-CBN.

Tampok sa 30-minutong dokyumentaryong pinamagatang “Alpas” ang kwento ng mag-asawang OFW na nakipagsapalaran sa ibayong dagat para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Ngunit sa kasamaang palad, sila ay nakulong at nagkahiwalay pa sa pagputok ng giyera sa pinagta-trabahuhang bansa.

Ipapakita ng dokyu ang sakripisyong ginagawa ng milyun-milyong OFW para sa kanilang mga mahal sa buhay. Nasa likod ng “Alpas” ang direktor na si Baby Ruth Villarama, na nakilala sa kanyang dokyumentaryong “Sunday Beauty Queen” noong 2016, na pinarangalan dito at sa ibang bansa.

Susundan ng "Alpas" ang natitirang araw sa Pilipinas ng OFW na si Danilo Obiena, na pabalik ng Middle East upang magtrabaho. Noong 1990 nagsimulang mangibang-bayan si Danilo at napilitang umalis muli kasama ang asawa noong 2006 nang malugi ang itinayo nilang negosyo. Sa Lebanon, napagbintangan silang nagnakaw sa kanilang amo na naging dahilan ng kanilang pagkakapiit.

Nang makalaya si Danilo sa gitna ng giyera sa bansang iyon, hinanap niya ang asawa saka sila umuwi muli sa bayan niya sa Tarlac. Sa kabila ng mga pagsubok at pasakit na pinagdaanan noon, hindi pa rin natitinag si Danilo sa pamamasukan sa labas ng Pilipinas dahil kailangan naman niyang suportahan ngayon ang kanyang mga apo. Kaya sa isa npang pagkakataon, siya ay lilipad, magsa-sakripisyo, at mangangarap bilang OFW.

Panoorin ang “Alpas” ngayong Sabando (Abril 6), 5:15 pm pagkatapos ng “SOCO” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iWant o skyondemand.com.ph. Para sa karagdagang impormasyon sa dokyumentaro, sundan ang @DocuCentral sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.