News Releases

English | Tagalog

“Halalan 2019” coverage ng ABS-CBN, mas pinanood sa TV at online

May 15, 2019 AT 05:18 PM

ABS-CBN News delivers most watched election coverage on TV and online

ABS-CBN stayed true to its promise to go full force to let the voice of the Filipino be heard during the May 13 national midterm elections, with more viewers nationwide tuning in to its “Halalan 2019: Ipanalo ang Boses ng Pilipino” election coverage on TV and online.

“Halalan 2019,” nagwagi sa ratings; umani ng halos 50 milyong page views

Mas maraming nanonood at tumutok sa “Halalan 2019” election coverage ng ABS-CBN News sa TV at online noong Mayo 13, kung saan ibinandila ang boses ng Pilipino.

Nagwagi ang ABS-CBN nationwide mula umaga hanggang gabi ayon sa datos mula sa Kantar Media sa pangunguna ng “TV Patrol” na nakakuha ng rating na 29.2% kontra sa 19.9% ng newscast ng GMA. Mas marami ring nanood ng “Halalan 2019” sa umaga at hapon, sa rating na 5.7% at 12.7% kumpara sa 5.4% at 9.8% ng GMA. Panalo rin ang “Bandila” na nakakuha ng 6% na rating kumpara sa 5.1% ng katapat na programa sa GMA.

Hindi lang sa TV nanood ang mga Pilipino sa buong mundo. Binantayan rin ng mga netizen ang botohan online sa ABS-CBN News sites na nakakuha ng 46.7 milyong page views noong May 13 at May 14, halos 434% ang itinaas nito kumpara sa karaniwang araw.

Nagpasalamat rin ang mga netizen sa website ng Kapamilya network na halalanresults.abs-cbn.com dahil madali ito gamitin, basahin, at aralin, at may mga real-time na impormasyon mula mismo sa opisyal na datos ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa Twitter user na si @paviloves, “Ang galing ng pagkakagawa ng website ng ABS-CBN para sa election results. Talagang makikita mo ang hinahanap mo. Kudos!” sabi naman niya.

Pinuri naman ng Twitter user na si @bessie_2012 ang Kapamilya network sa  paghahatid nito ng mga mainit na balita. “I salute ABS-CBN for sticking to the coverage of the elections, no hidden agenda!” sabi niya.

Nanguna rin ang ABS-CBN News sa social media kung saan nag-trending ang hashtags na #Halalan2019, #HalalanResults, at #HalalanAberya. Umani rin ng 2.6 milyong interaksyon ang Facebook pages ng ABS-CBN News, ANC, TV Patrol, at DZMM noong Mayo 13 at Mayo 14, samantalang 296,000 na interaksyon naman ang itinala ng mga Twitter account na ito sa dalawang araw.

Nanguna sa paghahatid ng mainit na balita noong “Halalan 2019: Ipanalo ang Boses ng Pilipino” coverage sina Noli “Kabayan” De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Zen Hernandez, Alvin Elchico, at Anthony Taberna, kasama sina Gretchen Ho, Amy Perez, at Kim Atienza, na nagsalitan para ihatid ang mga pangyayari noong eleksyon. Tinupad rin nila ang pangako ng ABS-CBN na ibandila ang boses ng Pilipino, at inilahad ang mga kwento at karanasan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang presinto sa buong bansa at ibang parte ng mundo sa tulong ng ABS-CBN Regional at ng mga ABS-CBN News bureau sa ibang bansa.

Patuloy na tutukan ang mga balita tungkol sa eleksyon sa ABS-CBN, ANC, DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, news.abs-cbn.com, at patrol.ph. I-follow ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, at @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter at manood sa online sa iWant News sa iwant.ph o sa ABS-CBN News YouTube channel.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abscbnpr.com.