Sharon-Richard-Kathryn’s movie to bring the family together
Pelikula nina Sharon-Richard-Kathryn, pagsasamahin ang pamilya
Mapapanood na ang family drama mula sa Star Cinema na “Three Words to Forever” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Richard Gomez, at ng Megastar na si Sharon Cuneta ngayong Linggo (June 2).
Tampok sa pelikulang mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at graded B ng Cinema Evaluation Board ang tatlong henerasyon ng pamilyang magsasama-sama para ipagdiwang ang isang mahalagang okasyon.
Uuwi si Tin (Kathryn) kasama ang kanyang nobyo na si Kyle (Tommy Esguerra) mula sa ibang bansa para makisaya sa selebrasyon ng ika-55 taong wedding anniversary ng kanyang lolo at lola na sina Cito at Tinay (Freddie Webb at Liza Lorena). Dahil dito, ang mga magulang niyang sina Cristy (Sharon) at Rick (Richard) ay magpapanggap na maayos ang relasyon, sa kabila ng katotohanang napagdesisyunan na nilang maghiwalay pagkatapos ng kanilang ika-25 taong anibersaryo.
Pinuri ni Mark Angelo Ching ng
pep.ph ang ‘well-written characters’ ng nasabing pelikula sa ginawa niyang film review. Anya, sinigurado ni Direk Cathy na may chemistry ang mga bida nito bilang pamilya upang madaling maka-relate ang mga manonood sa kwento.
Paano kaya haharapin ng mga miyembro ng pamilya ang kani-kanilang isyu sa pag-ibig? Alamin sa “Three Words to Forever,” ang pinaka-inaabangang handog ng Cinema One Blockbuster Sundays ngayong Linggo (June 2), 7pm. Mapapanood ang nangungunang cable channel sa bansa sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com.
-3